Two

827 27 0
                                    

Cylle's POV:


Sinag ng araw na sumisilip sa bintana ko at tumama sa mukha ko ang siyang gumising sa akin. Bumangon na ako at nag-unat.

Matapos mag mumog at hilamos dumiretso na ako sa kusina. Nag brew ng kape at nag toast ng tinapay habang nagluluto ng itlog.

"Hay!" Saad ko. Ang aga kasing mag-ingay ng cellphone kong nakapatong sa lamesa. Dinapot ko at sinagot ang tawag. "Hello."

"Yow dude." Si Spencer ang nasa kabilang linya. "Pinatawagan ka sa akin ni Mython, para i-check. Handa na daw ba ang gamit mo? Flight na natin mamayang hapon."

"Oo, mag-aayos lang ako ng konti pa. But before lunch tapos na ako. Tsaka nga pala mag car pool nalang tayo. I-book mo nalang."

"Okay. See you, tsaka sabi ni Mython wag kana daw makipag sex baka malate ka na naman."

Natawa ako. Sira ulo talaga ang mga to.

"Mga baliw!" Binaba ko na ang tawag.

Nadadala na talaga sila sa akin na laging nalilate dahil madalas akong nakikipag sex sa mga ex ko dati bago ako makipag kita sa kanila.

Aalis na pala kami ngayon araw at tutulak papuntang u.s. Sa vegas napiling mag pakasal nina Khadix at nung fiancee niya. Magiging witness naman kaming apat. Syempre isa ito sa special day ni hilaw kaya dapat present kaming mga best friend niya.

Habang kumakain, nag check muna ako ng email sa trabaho. Check-check ng firm, ilang araw din kasi akong mawawala kaya kailangan ma-approve ko na yung mga dapat ma-approve. Ayaw ko namang naiistorbo habang nasa malayo, tiyak mauurat ako nun.

Matapos kumain. Nag simula na akong dagdagan pa yung naimpake ko. Chini-check kong maigi baka may nakalimutan pa ako. Mabilis pa naman akong mai-stress kapag nakakaiwan ng gamit.

"Okay good, im done."

Naligo na ako ng matapos ay nag ayos. Eksaktong tanghali ng matapos ko lahat ang pag-iikot dito sa bahay. Nag-iisa lang kasi akong naka tira dito kaya kailangan kong macheck ang gas at koryente kailangan nakababa ang circuit breaker, para safe.

Napagawa ko nga pala tong bahay ko two years ago. Kakatapos lang din i-renovate dahil napakaraming alaala ng ex girlfriend kong si Abbi ang naiwan. I change the color to cover up and clean the memories. Sobra ko kasing minahal ang babaeng yun dati. At tulad nina Mython at ng tatlo. Nabaliw din ako, kaya nga inakala kong siya na ang makakasama ko hanggang dulo, pero isang araw nalang. Wala na kaming nagawa nung lamunin kami ng pagkasawa. Naging toxic na ang relasyon naming dalawa na parang sumisira na sa sarili naming pagkatao kaya ayun nagdesisyon kaming maghiwalay.

Hanggang sa nabalitaan kong engaged na si Abbi sa iba. Dun muli nag simula ang gulo ng buhay ko. Araw-araw may bago akong babae na inuuwi dito sa bahay. Nakikipag lampungan ako sa kanila dahil nasasaktan ako sa realidad na mawawala nang tuluyan ang babaeng minahal ko.

Dumating pa ako sa point na sinisi ko ang sarili ko at halos gabi-gabing umiiyak. Dahil pakiramdam ko hinayaan ko lang mawala sa akin si Abbi, hindi pinag laban. At dahil dun nawala ako sa sarili ko, yung tipong nawala ang deriksyon ko sa buhay at unti-unting nalunod sa panghihinayang. Mabuti nalang tinulungan ako nung apat na tumanggap at bumangon. Kaya isang araw nalang nagising din ako at nagsimulang umusad.

Hanggang sa ito na ako ngayon madaming pinagbago. At napag pasyahan na manahimik muna. Gusto ko na lang ng maayos na pamumuhay.

"Cylle." Katok sa pinto ko.

Naglaho agad ang nasa isip ko. Nariyan na pala sila. Tumayo na ako at hinigit ang bagahe ko.

"Tara na." Saad ni Ishii pagkabungad ko sa kanya.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon