Athena's POV:
Halos maubos na ang luha ko kakaiyak dahil hindi ko alam kung ano na ba tong napasok ko.
Habang nakaupo ako dito sa kama nasa tabi ko ang kontrata namin ni Cylle yung kleyente kong mangungupahan ng matres ko. Sa tuwing nakikita ko ang puting bond paper na to pakiramdam ko isa na akong masamang babae. Wala na kong pinagkaiba sa mga magdalena.
Ang bigat sa dibdib.
Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Wala na kong ibang mapuntahan at naiipit na ko sa sitwasyon namin nina Nanny. Hindi naman kasi pwedeng habang buhay akong umasa sa mga kakilala ko at paano ko nalang mababayaran ang utang namin sa bahay? Saan ako kukuha ng malaking pera kung ordinaryong trabaho lang ang gagawin ko.
Hindi ko naman talaga to gusto. Kaso paano at ano nalang ang kahihinatnan namin ng Nanny ko.
"Anak?"
Katok ni Nanny sa pinto. Wala na naman kasi akong ginawa kundi ang magkulong dito dahil sobrang sama ng loob ko sa nangyayari sa amin. Sobra na kaming nalubog sa problema.
"Athena, iha? Okay ka lang ba? Gusto mo ba ng kausap?"
Bumaba ako sa higaan at lumapit sa may pinto.
"Nanny." Tugon ko sa likod ng pintuan. "Wala po akong problema, okay lang po ako." Naiiyak ako pero pilit ko inaayos ang boses ko. Baka mag aalala lang si Nanny. "Wag na po kayong mag alala nag papahinga lang po ako ng husto para sa nalalapit kong pagtatrabaho."
"Talaga? Anak, lumabas ka naman ng kwarto mo at ikwento mo sa akin ang magandang balita." Sabi niya.
Lalo lang akong naluha. "Saka na po Nanny. Sige na po, magpahinga na po kayo."
"O siya sige."
Nanghihina ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi alam kung papano ko ipapaliwanag o ikukwento kay Nanny ang lahat at yung totoong trabaho na papasukan ko.
Nagpunta nalang ako sa banyo at naligo. Nagba-babad lang ako sa tapat ng shower at muling umiyak. Gustong ko hugasan ang pagkatao ko. Gusto kong linisin dahil pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.
Matapos maligo nag-aayos na ako dito sa harap ng salamin. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag iyak.
Naawa ako sa sarili ko.
"Athena, anak." Muling katok ni Nanny sa pinto ko. "Narito si Amara yung kaibigan mo."
Bigla akong napalingon sa pinto dahil sa sinabi ni Nanny. At narinig ko rin ang boses ng kaibigan ko.
"Tin, si Amara to." Sabi niya.
Timayo ako at agad siyang pinagbuksan ng pintuan.
"Tin?" Saad ni Amara pagkakita niya sa akin. Nakayuko lang kasi ako para hindi mapansin ni Nanny ang namumugto kong mga mata.
"Pasok ka." Sabi ko.
"Oh siya mga iha iiwan ko muna kayo." Sabi ng Nanny ko.
Naupo ako sa kama tinabihan din ako ni Amara.
"Kamusta ka? Nabalitaan kong ikaw ang napili ni Cylle" Sabi niya.
Napatango ako at muling lumuha dahil nasasaaktan ako sa naging disisyon ko.
Niyakap ako ni Amara. "Shhh. Okay lang yan. Wag kang mag aalala sisikapin kong walang ibang makakaalam sa gagawin mo." Sabi pa niya.
"Hmm?"
"Nakausap ko si Cylle kahapon. Sinamahan ko siya sa clinic ni doc Amanda. Masinsinan ko siyang kinausap dahil sa kasunduan nyong dalawa. Ipinaliwanag ko sa kanya kung gaano kahirap ito para sayo. Alam kong naintindihan ito ni Cylle kaya nangako siya sa akin na hindi ka niya ipapahamak. Magiging sekreto ang pagdadalang tao mo."
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
RomanceDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...