Cylle's POV:
Naging productive ang araw ko ngayon dahil sa dami ng trabaho. Inaasikaso ko tong mag-isa dahil hindi nakapasok ngayon si Nigel. Mukhang tinuyo na naman kasi ang girlfriend niya.
Tutok na ako sa pagta-type dito sa laptop ko ng maistorbo ako ng katok sa pintuan ko.
"Pasok!" Sigaw ko mula dito sa loob.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Toni, ang isa sa architect ng firm.
"Yes, miss Galves?" Tanong ko.
Lumapit siya sa akin at umupo sa silya sa harap ng lamesa ko.
"Ms. Suares, nabanggit ba ni Nigel sa'yo yung pagli-leave ko?"
"Yuh, nabanggit niya sa akin. Kelan nga ba yun?"
"Next week na sana. Magbabakasyon lang kami ng girlfriend ko sa bali."
Ay wow, sana lahat.
"Buti ka pa magsasaya kasama ang girlfriend mo." Biro ko.
Natawa si Toni na katulad ko din ang kasarian. "Magjowa ka narin kasi."
"Hay naku! Kung sana ganun lang kadali. Mabalik tayo, pinapayagan ka niya. Tutal naman tapos na ang project mo. Tsaka magandang yung feedback ng client."
"Great. Thank you." Tumayo na siya. "May ipapabili ka ba dun?"
Napailing ako. "Wala naman. Enjoy."
"Okay, thank you again."
Lumabas na si Toni.
Buti pa ang taong yan, masyadong pinagpala. Maganda na ang career, may love life pa na anim na taon na. Hay!
Magta-type na sana ulit ako ng mapansin ko ang pagkanta ng cellphone ko sa tabi. Chineck ko ng id caller. Si Athena.
"Yes?" Sagot ko.
"Cylle. Lalabas ako ngayon at pupunta sa vet clinic. Sinisipon kasi si gray."
"Ganun ba? Sige, tsaka mag-ingat kayo ah."
"Opo, bye." Pinatay na niya agad ang tawag.
Napano kaya ng pusang yun at sinisipon?
Napailing lang ako at nagsimula na ulit tumutok sa laptop ko pero hindi pa man ako nakakapag-isip ng isusulat. Muli na namang nag-ingay ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan ang id caller. Baka si Athena na naman at may itatanong.
"Oh, may nakalimutan ka ba?"
"What? Hey, Cylle." Napatingin ako sa screen ng phone.
Si ate Charleen.
"Oh te, napatawag ka?"
"Maglunch tayo together. Andito kasi ako malapit sa office mo. May inasikaso lang, then maglalunch nadin kaya naisip kitang tawagan."
"Ah...Sige, saan ba?"
Sinabi niya ang malapit na restaurant. Kaya pagsapit ng tanghalian. Lumabas ako ng office para mapuntahan si ate. Pagkarating ko, napansin ko kaagad siya sa kalagitnaan.
"Hi." Beso ko pagkalapit ko sa kanya.
"Hello, kamusta? Hindi ka naman dumadalaw sa bahay. Mom asking you."
Umupo na ako sa tapat niya at agad na napabuntong hininga. "Im too busy sa firm at sa baby ko."
"Baby mo?!" Napakunot noo si ate.
Hindi ko pa ba yun nasasabi sa kanya?
"Tinuloy mo ang pagkakaroon ng anak?"
Napatango ako. "Um, yuh?"
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
RomanceDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...