Three

686 22 2
                                    

Cylle's POV:


Kakauwi ko lang kagabi mula sa amerika. Tumawag agad ako kay Nigel ng extension ng leave ko dahil gusto ko parin mag pahinga. Mabuti at pumayag siya.

"Hay! Pinas!"

Daing ko dahil na trap na naman ako sa kahabaan ng traffic. Pambihira talaga ang bansang to. Tumanda na ako pero wala paring pinagbago. Makikipagkita pa naman ako ngayon sa kapatid at pamangkin ko. Tsk.

"Nagugutom na ako."

Sa sobrang tagal ng inilagi ko dito sa forever road ng pinas, ginutom na ako. Mabuti at umabante na ang mga sasakyan. Agad akong lumiko para makapunta sa restaurant na meeting place namin ni Ate.

Nakapagpark na ako. Matapos ko silipin ang sarili ko sa sun visor mirror, bumaba na ko ng sasakyan.

"Uy!" Sambit ko ng mabunggo ako ng isang babaeng nakayuko. "Miss, sorry ha!" Sarkastikong sabi ko dahil hindi man lang huminge ng tawad sa akin. Nilampasan lang ako na parang wala siyang nabunggo. Punyemas na yun!

Natitigan ko pa yung babaeng naglalakad papalayo, para siyang wala sa sarili at paulit-ulit na nakakasagi ng mga nakakasalubong niya. Tsk.

Baliw ata yun.

Napa-iling lang ako saka tumuloy sa pupuntahan ko.

"Cylle." Kaway sa akin ni ate Charleen pagkapasok ko ng resto.

Lumapit ako at agad na sinalubong ng napakagandang bata. "Tata Cylle." Bigkas ng limang taon kong pamangkin. Kinarga ko siya hanggang sa may mesa.

"Kamusta si Khadix." Tanong agad ni Ate.

"Okay lang, sakal na."

"Nasa honeymoon ba sila ngayon?"

"Wala nandito narin sa pinas. Kasabay namin umuwi kagabi dahil aasikasuhin pa nila dito yung late reception nila para sa inyo."

"I see, si Sabrina? Balita ko nakapanganak na siya."

"Oo, ang cute ng anak niyang babae. Hawig na hawig ni hapon. Bellei nga pala ang palayaw." Kwento ko.

"Nice, effective pala yung method na ginawa nila. Ano nga pala tawag dun?"

"In vitro fertilization. Medyo magastos nga lang dito sa bansa natin."

"Tata Cylle. Look oh, i have my new toy." Kalabit sa akin ng pamangkin ko habang tuwang-tuwa siyang ipakita sa akin ang bago niyang laruan. Na malamang sa malamang isang linggo lang ang itatagal sa kamay niya.

"Wow! Ang ganda...para yung new friend niya." Pakikisakay ko naman sabay pisil ng pisnge niya.

"Hayley, take a seat na." Utos ni Ate sa anak niya. " Then have a kid narin Cylle." Baling nito sa akin.

Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. "Nagjo-joke ka no? Sino mag bubuntis? Ako?"

Natawa siya. "Edi isaksak mo yang itlog mo sa mga babae mo. Para naman may mahita ka diyan sa mga jowa mo."

Napasandal ako sa inuupuan ko. "Ate, wala ako ngayong jowa—"

"Really?" Sabat niya sa akin. "Hindi ako naniniwala."

I scowl. Ba't ba walang naniniwala sa akin na wala akong balak na lumandi ngayon.

"Totoo ang sinasabi ko. Charleen Suarez-Alonzo."

Umismid siya. "Hmpf. Hanggang kailan? Pusta ko, end of the week may binubola kana naman."

Ang kulit ni Ate.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon