Thirty-one.

474 33 1
                                    

Cylle's POV:



Kakatapos ko lang sa video call meeting namin ng korean star at builder niya. Sa paguusap namin ay nauwi ito sa pagtatalo ng engineer ng koreano. Hindi ito nagustuhan ng klyente ko kaya nagpasya na akong makipagkalas sa proyekto.

Ayaw man ito ng koreano pero nakapag desisyon na ako. Hindi ko kailangan ibaba ang sarili ko para lang sa sarili nilang interes.

"You okay?" Tapik sa balikat ko ni Nigel.

Nakahawak kasi ako sa sintido ko.

Tumango ako. "Tinapos ko na ang kasunduan namin."

"Oh? Bakit ayaw na ba ng koreano?"

"Hindi naman. Ako ang kusang sumuko dahil hindi talaga ako tinatantanan ng anay niyang engineer."

"Ahh. Okay lang yun. Madami ka pa namang makikitang kapalit. Like Gail, how is she?"

Oo nga pala. "Maglalunch kami together. Wanna join?"

"No, it's your date. At ayaw ko maging third wheel no."

Napangiti nalang ako at iling. Hay!

Ayaw ko sana pakawalan ang project na yun kaso masyado ako binubwisit ng engineer niya. Isa pa, magkalahi sila ng artista kaya baka sa bandang huli may gawing kapalpakan yun tapos sisihin pa ako.

Naging abala narin ako sa ilang bagay. Hanggang sa magtanghalian na. Sinundo ko si Gail sa opisina niya saka kami kumain sa malapit na restaurant.

"Kamusta ang kalahating araw mo?" Tanong ko at pag-uumpisa ng kwentuhan.

"Busy and tiring."

"Oh? Gusto mo ba magrelax mamaya? Labas tayo?"

"Mamaya? Meron akong dinner meeting sa isa kong client, so baka hindi ako makalabas."

"Ah, okay. By the way. Pupuntahan ko na ang lot mo by tomorrow. To check."

"Siya nga pala. Cylle, ipe-pending ko na muna ang pagpapatayo ng bahay."

"Ha?! Why? Are you worried cause of your time? But, you don't have to. Hands on ako sa trabaho kaya wala kang dapat ikabahala."

"No, not that. May tiwala naman ako sayo. Kaso kasi may mga bagay na nagbago. Baka kailangan ko pumunta sa ibang bansa. I need money so baka hindi ko maponduhan ang pagpapagawa ko."

Hinawakan ko ang kamay ni Gail. "Ako munang bahala dun sa pagpapatayo—"

"Cylle."

Binawi ko ang kamay ko dahil matiim niya akong tinitignan sa mata. Seryuso talaga siya na para bang hindi ko na mababago ang disisyon niya.

"I understand." Sagot ko nalang. Kahit ba hindi ako natutuwa sa binalita niya. Isa pa aalis siya? "Saan ka ba pupunta at gaano ka katagal dun?"

"Sa america. Siguro manga three to four months."

Ganun katagal?

Napatango ako. Habang napapatingin sa pagkain niya. Hindi na naman ni Gail nagagalaw ang pagkain niya. Hay!

Nakakadrain ang araw na to sa dami ng bad news.

"Cylle. I have to go. May gagawin pa ako."

"Sige, ihahanatid na kita."

Bumiyahe na ako pabalik sa opisina matapos ko ihatid si Gail sa trabaho niya. Sobra akong nanglalata sa araw na to. Parang nakakawala ng gana. Nawalan na ako ng project sa korea na pending pa ang contrata namin ni Gail. Tapos mukhang lalayo pa siya.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon