Twelve

545 19 0
                                    

Athena's POV:


Sinusulit ko ang mga oras na kasama si Nanny. Dahil baka hindi ko mamalayan na kailangan ko na siyang iwan. Pinakiusapan ko naman si Cylle kung maari ko bang makuha ang down payment ko sa pagdadala ng anak niya. Mabuti at pumayag siya. Kaya ngayon may pera akong inilagay sa bangko at may maiiwan din kay Nanny kapag naiwan ko na siya. Kumuha narin ako ng makakasama niya dito sa bahay.

"Saan ba tayo pupunta, ha iha?" Tanong ni Nanny. Pinagbihis ko kasi siya dahil gusto ko siyang ipasyal. Napakatagal na kasi ng huli namin itong ginawa.

"Basta po, Nanny."

Lumapit siya sa akin at bigla nalang akong niyakap.

"Bakit po Nanny?"

"Wala lang iha. Pakiramdam ko kasi matagal kitang hindi makakasama kapag naging busy kana sa trabaho mo."

Napangiti ako. "Tatawagan ko naman po kayo palagi. Saka tatawag po kayo sa akin ah. Para hindi naman po ako malungkot doon."

"Oo naman. Salamat sa lahat, anak."

"Wala pong ano man Nanny. Tara na alis na tayo?"

Nanunuod kami ng movie ni Nanny. Ito kasi ang madalas naming libangan dati. At kumain sa masarap na restaurant. Ibinili ko rin siya ng mga vitamins at gamot.

Gusto kong masigurado na magiging okay siya kapag nasa malayo ako. Dahil hindi ko naman siya agad na mapupuntahan kahit malapit lang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Nanny dito sa mall kumanta naman ang cellphone ko. Kinuha ko to sa bag at binasa ang id caller. Si Amara.

"Hello." Sagot ko.

"Nasaan kayo? Nandito ako sa labas ng bahay mo? Naka lock?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Nandito kami sa mall. Ipinasyal ko si Nanny."

"Oh. Pwede ba akong sumunod diyan o hintayin ko nalang ang pag uwi nyo dito?"

"Hintayin mo nalang kami. Pauwi narin kami ni Nanny."

"Okay. Bye."

Nagtaxi na kami ni Nanny para hindi na kami mahirapan makauwi ng mabilis.

"Amara." Nakatayo siya sa labas ng gate namin.

"Hi." Lumapit siya at bumeso sa amin ni Nanny.

Tumuloy na kami sa loob. Pagkapasok pinagpahinga ko muna si Nanny. Habang narito kami ni Amara sa maliit naming garden nag-uusap.

"Kamusta na nga pala ang honeymoon nyo?" Tanong ko.

"Okay lang. Maganda sa japan. Mahal nga lang ang bilihin lalo na ang pagkain."

"Kamusta naman ang asawa mo?"

"Okay naman siya. Magiging busy na rin yun dahil baka magturo na sa isang university."

"Wow, professor?" Saad ko.

"Yuh, instructor. Ikaw kamusta kana? Balita ko nabuo na dyan ang anak ni Cylle." Nguso niya sa tiyan ko.

Napatango ako.

"Alam mo bang binabalak narin namin yan ng asawa ko. Pareho na tayong mabubuntis." Sabi niya.

Bigla tuloy akong nalungkot. "Buti ka pa, anak ng asawa mo yung ipagdadalang tao mo. Samantalang ako, hindi ko kaano-ano."

"Ano ka ba, anak yan ng best friend ng asawa ko. Baka nga maging inaanak niya pa yan na magiging inaanak ko din." Hinawakan niya ang tiyan ko. "Dinadala mo ang inaanak ko. Siguro naman may koneksyon na tayo sa isa't-isa?"

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon