Cylle's POV:
"Aalis na ako." Paalam ko kay Athena.
Maaga ako ngayong aalis ng bahay dahil kailangan kung samahan si Gail na pumunta sa lupa na pagtatayuan niya. Ang totoo nagprisinta na ako dahil gusto ko pa lalong magpaimpress sa kanya. In gentlemans way.
"Okay. Tsaka nga pala. Heto ipinag balot kita ng sandwich." Inabot niya sa akin ang isang paper bag.
"Salamat. May gusto ka bang kainin?"
Tumango siya. "Gusto ko ng fried chicken, yun lang."
"Okay. Ingat kayo ni baby dito ah." Bumeso na ako sa kanya.
"Ingat karin po."
Nagmaneho na ako papunta sa isang coffee shop na meeting place namin ni Gail.
"Hi." Dumating na siya.
"Hello. Coffee?" Alok ko.
"Hot cappuccino please."
Pumila na ako saka bumili ng dalawang kape. Matapos ay tinungo na namin ang sasakyan ko para makapunta na kami ni Gail sa lupa niya.
"Anyway. Thank you sa pagsama sa akin. You don't really have to this." Sabi ni atty Gail.
"Okay lang. Chance narin para mas mapag isipan ko ang pagconstruct sa lugar." Napangiti lang si Gail na parang may landi. "Oo nga pala. May sandwich ako dyan, baka gusto mo?" Alok ko.
"Sure." Pinaabot ko na lang sa kanya ang paper bag na nasa backseats nakalagay. "It's look good. Saan mo to nabili?"
"Sa bahay lang yan galing."
Kumagat na si Gail. "Hmm. Ang sarap ah." Napangiti lang ako.
Masarap naman talaga magluto si Athena. Napapansin na nga ni Nigel na nagkakalaman na ako. Napapadami kasi palagi ang kain ko.
Nakarating na rin kami.
Agad kong nilibot ang lote na nabili niya. Napakalawak ng lupa. Sakto sa naiisip niyang desensyo. Mukhang secure din ang lugar.
"How is it?" Tanong niya.
"It's good. Pwede na natin umpisahan ang pagpapagawa." Tugon ko.
"Better. Shall we go now? May meeting pa kasi ako."
"Okay. Ihahatid na kita dun."
"So sweet, thank you."
Bumiyahe na kami ulit pabalik para ihatid na si Gail sa meeting niya. Ibinaba ko siya sa isang restaurant.
"Cylle wait." Napalingon ako sa pagtawag niya. "Can you pick me up her at seven pm. Gusto ko mag dinner kasama ka."
Ayos! Hindi ko na kailangan na ayain siya. Nagbabalak pa naman ako.
Napangiti ako. "Sure."
"Okay, then see you later. Take care."
Malapad ang ngiti kong bumiyahe papasok ng firm. Hanggang sa makarating ako sa lamesa ko. Hindi parin mawala ang ngiti sa mukha ko.
"Uy, mukhang naka jack pot ka ah." Biro sa akin ni Nigel. Napansin niya kasi ang mukha kong masaya. "Masarap ba nakain mong almusal ngayon?"
Natawa ako sa biro niya. "Wala pa akong almusal. Nagkita kasi kami ni Gail kanina lang, sinamahan ko siya sa lote niya. Tapos Par, niyaya niya pa ako na magdinner kami tonight."
Nanlaki ang mata ni Nigel. "Totoo?" Napahilig pa ang ulo niya. "Parang pinag uusapan lang natin siya kahapon ah."
Napasandal ako sa upuan ko. "Well..."
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
RomanceDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...