Fifteen

522 21 0
                                    

Athena's POV:


Mag-isa lang akong kumakain ngayon. May dinner kasi si Cylle kasama ang mga katrabaho niya kaya binilinan na niya akong wag maghintay.

Sa totoo lang nalulungkot ako dito mag-isa. Kaya halos araw-araw akong tumatawag kay Nanny o kaya kay Amara.

Wala naman akong problema sa pagtira dito. Mabilis ko lang naman napakisamahan si Cylle. Mabait naman kasi siya para na nga akong nai-ispoiled eh dahil lahat ng gusto ko ibinibigay niya. Kaya bilang kapalit kailangan kong magpakabait.

Ako na ang kusang nagluluto, naglilinis. Hindi naman ako nahihirapan dahil malinis naman si Cylle sa bahay. Naglalaba din ako. Madali lang naman yun kasi, di ko na kailangan magkusot. May heavy duty washer at dryer machines naman siya dito sa bahay.

Kung tutuosin napaka swerte ng magiging partner niya. Dahil hindi na mahihirapan pa. Isa pa napakaresponsable niyang tao. Wala ka nga halos mailalait sa taong yun. Maganda ang trabaho, matalino, masipag, mabait, makisig, at gwapo. Oo, gwapong babae. Yun na nga lang minsan mapang asar.

Uminom na ako ng gatas na hindi ko gusto ang amoy at lasa. Ang langsa kasi. Pero kailangan ko tiisin dahil para ito sa baby ni Cylle. Nagsisimula na siyang lumaki sa loob ng tiyan ko at kung minsan pinahihirapan niya rin ako. Nasusuka ako minsan sa umaga o kaya gabi. Minsan nanunuod lang ako ng tv pero feeling ko susuka na ako. Nagiging atokin na din at matalas ang pang amoy.

Hay!

Hindi ko akalain na, maselan pala ako magbuntis. Pero at least aware na ako ngayon.

Matapos ko kumain nag hugas na ako ng plato at naglinis. Pinatay ko ang ilang ilaw dito sa kitchen saka ako nagpunta sa kwarto ko.

Itong kwarto ko, malawak. May maayos na interior at kulay baby pink na siyang nagpapakomportable sa akin. Ang totoo maganda ang pagkakagawa ng buong bahay ni Cylle. Architect naman kasi siya kaya ganito kaganda ang bahay niya. Kaso sa laki nitong bahay, mag-isa lang siyang nakatira? Di ba siya nalulungkot dito?

Buti nalang talaga, dumating ako. Hehe...

Naglinis na ako ng katawan, pagkatapos humiga na ako. Pero hindi ako makatulog. Hay! Sinubukan kong ipikit ang mga bata ko pero, wala parin.

Bumangon ako. Wala na palang lamang tubig tong baso sa side table ko. Maka kuha nga.

Lumabas ako at kumuha ng tubig dito sa kusina saka uminom. Nagsalin narin ako sa baso. Pabalik na sana ako ng marinig kong binubuksan ang maindoor.

Baka si Cylle na yan.

Dahil maypagka madilim na ang buong bahay halos maging anino nalang ang sino mang papasok.

Hmm?

Hugis babae ang unang pumasok. Sumunod naman si Cylle. May kasama siya? Aalis na sana ako ng makita kong nagdikit ang dalawa.

Pinaniningkit ko ang mata ko para makita sila ng maayos. Kaso di na pala kailangan dahil tumapat sila sa liwanag ng dim light.

Nanlalaki ang mga mata ko. Dahil nakikita ko silang naghahalikan. Ang higpit pa ng kapit ng babae sa leeg ni Cylle.

Napa-upo ako bigla at nagtago dito sa likod ng island table. Dahil nahihiya akong makita nilang dalawa. Mas maganda sigurong umalis na ako dito.

Pagapang sana akong aalis kaso bigla silang nahiga sa upuan. Napaatras tuloy ako pabalik.

Nakakainis, bat dyan pa sila naglalampungan? May kwarto naman ah!

Sinilip ko sila para sana makakuha ng tyempo pero iba ang nakikita ko!

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon