Cylle's POV:
Hindi ako papasok ngayon sa office. Nagleave na naman ako dahil hindi ako makapag concentrate sa trabaho. Nahihirapan kasi ako sa pag-aalaga kay Cedie.
Inihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang bahay. Saka ako bumaba at kumatok sa gate nila.
Bumukas ang gate sabay ngiti sa akin ng isang babaeng may edad na.
"Cylle." Bati sa akin ni Nanny. "Tara pasok ka."
Pumasok ako at sumunod sa matanda.
"Nanny..." Tawag ko.
Hinarap niya ako. "Tatawagin ko siya."
Umiling ako. "Mamaya na po, gusto ko po sana muna kayong makausap."
Ang tagal narin ng huli kong dalaw sa kanya. Hindi pa noon nakakabalik dito si Athena at wala pa rin siyang alam tungkol sa amin ng anak niya.
Dinala ako ni Nanny sa maliit niyang hardin saka kami naupo sa isang tabi.
"Nanny—"
"Cylle." Sabat niya sa sinasabi ko. Huminga ng malalim ang matanda. "Alam ko nung mga panahong panay ang dalaw mo dito sa bahay ay may kakaiba na. Hindi ko man masabi kung ano yun noon pero ramdam ko. May kung ano sa inyo ni Athena."
Napayuko ako.
"Alam mo bang nung umuwi siya dito sa bahay na luhaan at basa ang damit sa dibdib dahil sa gatas, hindi ko noon alam kung paano ko siya patatahanin. Buong araw na naman siyang nagkulong sa kwarto niya at panay lang ang iyak. Hanggang sa magkaroon na siya ng lakas ng loob na magsabi o kwento sa akin ng lahat."
Muling huminga ng malalim si Nanny. "Naawa ako sa anak ko dahil dinala niya ang sarili niya sa isang disisyon para lang matapos ang problema namin. Pilit ko siyang inunawa noon kahit ba nasasaktan ako. Pero ang mas nagbigay sa akin ng sakit sa puso ay makita ko siyang nahihirapan sa pag aalala sa batang dinala niya. Hindi siya nakakain ng maayos kakaisip kung paano na ang batang yun. Kung sino nagaalaga, kung napapalitan na ba ang diaper o kung napapadede, napapaliguan."
Nagulat ako sa kwento ni Nanny. Parang hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"Sa tuwing nakikita niyang basa ang dibdib niya dahil sa gatas. Lagi niyang naiisip ang batang yun." Tumingin sa akin ang matanda. "Ang anak mo."
"Nanny kasi...Hindi ko alam kung papaano ba gawin ang tama..."
"Isa pa Cylle, bukod sa pagmamahal niya sa bata alam ko kahit hindi sabihin sa akin ni Athena. Na may pagmamahal siya sayo."
"Po?!" Nabigla ako sa narinig ko.
"Yung iyak niya tuwing masakit ang dibdib niya dahil sa gatas. Nasusundan yun ng iyak sa pangungulila sa taong minamahal niya."
"Nanny, kaya po ako narito. Para makausap si Athena. Hindi ko po alam kung, matatanggap nyo ako pero. Mahal ko po ang anak ninyo."
"Alam ko naman yun. Yung pagpunta mo dito at pagasikaso sa akin. Alam kong may ibigsabihin yun. Pati yung panay tawag mo sa akin. Alam ko ginagawa mo yun para sa isang tao. Para kay Athena, diba?"
Tumango ako. "Opo."
"Sa tanang buhay na pagsasama naming mag-ina. Ngayon ko lang nakita si Athena na umiyak para sa isang taong kina-ngungulilaan niya. Alam ko, nasaktan siya ng husto sa pag-iwan niya sa inyo ng anak mo."
Napayuko ako at hindi mapigilan na maluha. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matuwa sa naririnig ko at masaktan para sa nangyayari sa amin ni Athena. Kung nagkalakas lang sana ako ng loob na magtapat sa kanya noon, baka hindi na to nangyari pa sa amin.
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
RomanceDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...