Athena's POV:
Lumilipad ang isip ko hanggang ngayon kakaintindi parin sa nangyari nung nakaraan. Yung gabing hinalikan ako ni Cylle. Hindi yun mawala sa isip ko kung bakit niya ginawa ang bagay na yun, pero alam kong lasing din siya nun.
Nakakainis lang rin dahil nadala ako ng halik na yun. Hindi ko mapigilan na gumanti dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siya.
Hay!
"Morning..." Gising na pala si Cylle.
"Goodmoring din." Pinatay ko na ang stove at isinalin sa lalagyan ang niluto ko. Pagkatapos ay nilapag na to sa lamesa. "Kain na." Sabi ko sabay lagay ng kanin sa plato niya.
"Pinapataba mo talaga ako." Saad ni Cylle.
"Dahil binilin ka sa akin ng mommy mo. Sabi niya alagaan daw kita."
Pero kahit hindi yun sabihin sa akin, aalagaan ko parin naman siya.
Mabubuting tao rin ang mga magulang niya ni hindi nga ako nahirapang pakisamahan sila. Isa pa naging komportable din akong kasama sila dahil hindi nila ako itinurin na iba. Para bang parte narin ako ng pamilya nila.
Paniguradong masuwerte ang magiging partner ni Cylle. Dahil hindi na yun mahihirapan sa pamilya niya.
"Ang taba ko na nga daw sabi niya, tapos pinapa-alagaan niya pa ako. Ano ako bata?" Sabi niya pa.
"Edi wag..." Simangot ko.
"Joke lang...Nagbibiro lang eh."
Ewan ko ba sa taong to.
Sa totoo lang parang walang nangyari sa amin kung umasta siya. Baka nga nagkamali lang talaga siyang halikan ako. Dahil nga lasing siya nun, baka iba ang nasa isip niya pero ako ang nakita.
Pinikit ko ng mga mata ko para matigil na ang iniisip ko. Kumain narin ako ng maayos. Hindi ko muna pinansin ang message ni Kendrinn para makakain ako ng madami.
Dingdong...
Hmm?
Nagkatinginan kami ni Cylle dahil may nag doorbell. Naku, baka si Kendrinn yan dahil hindi ko sinasagot ang chat niya.
Tumayo ako. "Ako na. Kumain ka nalang." Saad ko.
"Bakit, sino ba yan? Yung batang tomboy na naman ba?"
“Hindi ko alam.”
Hindi ko nalang siya sinagot at dumiretso ako sa labas. Binuksan ko ang gate at tumambad sa akin ang isang magandang babae.
Sino to?
Baka kamag-anak na naman ni Cylle. Nitong nakaraan napapadalas na ang pagpunta ng mga kaibigan o kaya kamag anak niya dito sa bahay.
"Sino po sila?" Tanong ko sa babaeng mukhang nagulat din ng makita ako. Nakatingin pa siya sa tiyan ko.
"Who are you too?" Saad din niya.
"Tin, sino ba yan?" Sunod sa akin ni Cylle. Binuksan narin niya ng maayos ang gate. "Gail?!" Gulat niya.
Gail?
Siya yung babaeng nililigawan ni Cylle.
Humakbang ako paatras dahil parang may naramdaman akong tensyon sa dalawa.
"Who is she?" Mataray na tanong ng Gail.
"Can we talk?" Sagot ni Cylle.
Dinala ni Cylle si Gail sa garden at doon sila nag-usap. Sa itsura ng babae parang nagulat siya sa paliwanag ni Cylle. Pero tahimik paring siyang nakikinig sa paliwanag.
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
RomanceDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...