Six

600 24 0
                                    

Cylle's POV:


Katatapos lang ng meeting namin ni Nigel sa trabaho. Nagmemeryenda na rin kami dito sa coffee shop habang hinihintay namin yung girlfriend niyang si Michelle.

"Kamusta na pala yung project mo sa korean actor?" Tanong niya.

I sight. Sumasakit lang ulo ko kapag naalala ko ang pending contract ko sa kaniya.

"Nakausap ko na ang builder niya sa korea. At hindi ko sila makasundo. Yung mga gamit kasi atsaka supplier dun parang ang hirap kausap."

"Why? Language barrier?"

"Hindi lang Par, talagang mahirap silang kausap in terms of materials. Kaya pinag paplanuhan ko ng hindi yun ituloy." Tugon ko.

"Don't do that. Sayang naman, pang world renowned din yan. Bago mo ulit achievement."

Naku! Hindi nalang kung mababaliw ako sa panunuyo sa ilang supplier nila. Baka masira pa ang plano ko.

"Tsk. Hindi ko naman iniisip na makilala sa buong mundo. Gusto ko lang ng matiwasay o maayos na trabaho. Alam mo namang gusto ko ng malinis, plantsyado at smooth na opearsyon. Kaso mukhang malabo yun kapag natuloy akong katie-up ang mga singkit na yun."

"You mean, suko kana?"

Umiling ako. Syempre di naman ako padadaig sa mga simpleng problema sa trabaho. Dahil professional naman akong tao. Kaso iba talaga ang quotation ng mga yun.

"Pag iisipan ko pa ng maigi. Pag di kaya, hindi ko na ipipilit kesa naman makonsemisyon pa ako."

Napapatango lang si Nigel sa mga sinabi ko saka humigop ng kape niya.

"Anyway. Madako naman tayo sa plano mong pagkakaroon ng anak. Desidido ka na ba talaga dun? Parang mas komplekado pa yun kesa sa kontrata mo sa koreano ah."

Haha...

"Loko. Yuh, desidido na ko dun. Mamaya lang may kameeting na ako para makakuha ng advice tungkol dun."

"Hmm. Kung sabagay Par, nasa edad na tayo para magkaanak. Ang totoo, kapag di na dinatnan si Michelle this month. Baka mauna pa ako sayo makabuo."

Natawa ako. "Sabi ko na nga ba. Mas mabilis ka talaga kumpara sa akin."

"Haha. Lol. Pareho lang tayo, baka nga mas malala ka pa nga eh kung naging lalaki ka lang."

"Haha...sira"

Ilang sandali lang dumating narin ang hinihintay namin. Saka sila nagpaaalam sa akin magshota para umalis.

Naiwan naman ako dito sa shop habang abala sa mga emails ko. Madami kasi ako ngayon natatanggap na emails. Regarding sa trabaho, mga gustong magpaguhit sa akin ng imprastraktura nila.

"Ey dude."

Tumingala ako sa taong bumati sa akin. Dumating na ang mga ka-meeting ko. Sinara ko na ang laptop na ginagamit ko.

"You're just on time." Sabi ko kay Spencer kasunod sina Khadix at Amara.

Sunod-sunod silang naupo sa tabi ko.

Pinapunta ko sila dito para makausap tungkol sa pinaplano kong pagkakaroon ng anak. At dahil mga kaibigan ko sila, wala silang nagawa sa pakiusap ko.

"Spell it out." Udyo ni Spencer.

"As i said in my message. Guys, i need your help. Kailangan ko ng tulong nyo para makahanap ako ng matinong babae na papayag na magdala ng anak ko."

"Matino? Pre, mahihirapan ata tayo sa gusto mo. Dahil wala namang matinong babae na papayag na paupahan ang matres niya."

"I agree, Cylle. Malamang mga baby maker lang makikita natin na papayag sa gusto mo" Sang-ayon ni Khadix.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon