Forty-one

472 34 2
                                    

Cylle's POV:


Nasa meeting ako ngayon pero nasa kalawakan ang utak ko. Iniisip ko kasi ang nararamdaman ko kay Athena. Parang iba na.

May nagbabalik sa akin na emosyon patulad sa nararamdaman ko noon kay Abbi. Kaya nababahala ako.

"Cylle. Cylle?" Tawag ni Nigel. "May masasabi ka ba?" Tanong niya pa.

"Wa-wala naman..." Tugon ko. Wala kasi talaga ako naintindihan sa meeting namin ngayon.

"Okay." Bumaling siya sa mga kameeting namin. "Kung magkaproblema, magsabi kayo agad sa amin." Huling linya ni Nigel bago nagsi-alisan ang mga katrabaho namin. "Par, may iniisip ka ba?"

Napatango ako. "Pasensiya na, kung wala ang atensyon ko sa meeting."

"Ano bang problema?"

Bumuntong hininga ako dahil mabigat na talaga ang nararamdaman ko. "Par, pakiramdam ko may nagugustuhan na akong tao."

Kumunot ang noo niya. "Ha? Meron naman talaga diba, si Gail—" Luminaw ang noo ni Nigel at nanlaki ang mga mata niya. "Merong iba?!"

Napasandal ako dahil nahulaan niya agad ang pinoproblema ko. Kaso paano ko sa kanya ipapaliwanag na, sa surrogate mother ng anak ko ako nagkakagusto.

"Sino yan?"

Napailing ako. "Wala."

Tumayo na lang ako at lumabas ng meeting room namin. Sinundan naman ako ni Nigel.

"Cylle?"

"Par, coffee muna ako sa labas."

Pakiramdam ko kasi kailangan ko ng kape, baka magising ako sa mga kalokohan ko.

"Sige." Tugon niya.

Habang naglalakad sa daan nagmessage ako sa barkada na gusto ko ng inuman. Parang gusto ko ng alak ngayon dahil naguguluhan na talaga ako.

Mabilis na akong pumila pagkarating ko sa shop. Habang sinasagot ang message sa akin ng mga ungas.

"Yes po." Saad ng kahera.

"Isang venti iced caramel macchiato nga."

"Okay po, name po nila."

"Cylle."

Humanap na ako ng pwesto matapos ko makapag bayad. Ilang minuto lang ang hinintay ko at tinawag na nila ang pangalan ko. Kinuha ko ang kape, saka ako bumalik sa kina-uupuan ko.

Hay!

Hindi ko maiwasan na isipin ang mga narardaman ko. Kahapon lang naiinis ako sa batang tomboy na palaging kausap ni Athena. Ramdam na ramdam ko may gusto yun sa kanya eh. Hindi man yun direktang sabihin sa akin pero alam ko. Isa pa, nang dahil din sa taong yun parang napapansin kong nagbabago na si Athena. Halos hindi na nga siya sa akin magpabeso kapag nagpapaalam ako. Tapos kapag nagtatabi kami halos hindi narin niya ako harapin. Nakakainis!

Bakit ko ba nararamdam to?

Dapat hindi eh, dahil ako mismo ang nagsabi na walang hihigit sa kontrata naming dalawa, pero bakit parang ako pa tong babali sa kasunduan na gusto ko.

Saka, paano nalang kung ako lang pala tong nakakaramdam ng pagkagusto. Paano kung gusto ni Athena ang batang maangas na yun?

Hay!

Parang gusto kong ipang ligo ang malamig na kape sa harap ko. Para naman mabawasan ang pag-iisip ko.

Lahat ng nararamdaman ko noon kay Abbi, lahat yun nagbabalik sa sistema ko ngayon. Nung una ayaw ko pang pansinin pero napapadalas na. Lalo na kapag nakikita kong wala na sa akin ang atensyon ni Athena. Naiinis ako ng sobra.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon