Forty

477 28 1
                                    

Athena's POV:



Masaya ako ng mabalitaan ko kay Day-day na okay na si Nanny. At wala na kaming problema sa gastusin. Ayaw naman nitong sabihin sa akin kung sino ang tumulong. Pakiramdam ko nasa pagitan lang nina Amara o kaya Cylle ang nag assist kay Nanny.

Ganun pa man natutuwa parin ako dahil okay na ulit ang Nanny ko. Nakausap ko narin siya kahapon sa phone.

"Nakatutok ka na naman sa cellphone mo." Pansin sa akin ni Cylle. Lagi niya kasi akong nakikita na kausap sa phone si Kendrinn. Kapag kasi nababagot yun, gusto lagi akong kausap. "Kumain kana."

Inilapag ko sa lamesa ang cellphone ko at sumubo ulit ng pagkain. Kaso di ko mapigilan na titigan ang notifications na lumalabas sa screen ko.

"Tsk."

Napa-angat ako ng ulo dahil sa pagtikhim ni Cylle.

"Hindi ka talaga napapakali." Sabi niya. Nakasimangot pa.

Hindi ko nalang siya inimik dahil wala naman akong magandang sasabihin. Isa pa gusto kong mabaling ang atensyon ko sa iba dahil nadidiskobre ko na sa sarili ko na unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya.

Alam ko naman, wala akong karapatan isa pa. Alam kong ayaw niyang may hihigit pa sa kontrata naming dalawa. Kaya dapat mapigilan ko kung ano man ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Athena. Ano man ang nararamdaman mo ngayon. Dala lang yan ng pagbubuntis mo.

'Yan lagi ko isinisisik sa isipan ko. Baka nga kasi dala lang talaga to ng pagbubuntis ko.

Hindi ko na pinansin ang pagtayo ni Cylle. Tinapos ko lang ang pagkain ko at pagkatapos ay nagligpit.

Panay parin ang pagpapadala ng message sa akin ni Kendrinn. Na hindi ko maiwasan na sagutin.

"Cellphone parin?" Saad ni Cylle mula sa likuran ko. Mabilis ko tuloy ibinulsa ang phone ko.

Lumapit siya sa akin. "Babye na." Humalik siya sa pisnge ko na agad ko ding naitulak.

Nagkatinginan kami ni Cylle dahil nagulat siya sa ginawa ko.

Hindi ko na kasi kayang tagalan kapag nararamdaman ko ang mga labi niya sa pisnge ko. Parang gusto ko siya halikan din.

"Tin? May problema ba?"

Umiling ako. "Wa-wala naman. Magmadali kana baka ma-late ka pa." Dahilan ko nalang.

Napatango siya at humakbang palayo. Tumalikod narin ako at bumalik ulit sa paglilinis.

Hay!

Lagi pa sumasagi sa isipan ko yung nangyari sa amin nung nakaraan araw, nung nalaman namin yung gender ng baby niya. Kitang-kita ko ang saya niya nun, hinalikan niya pa nga ako sa noo.

Nung lumapat ang labi niya sa mukha ko at yung mahigpit na hawak niya sa kamay ko. Parang lalong nagulo ang tibok ng puso ko nun. Dahil alam ko na sa sarili ko, gusto ko na siya.

Habang pinagmamasdan ko siya, hindi mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kaya nga gusto ko ng itigil kung ano man ang nangyayari sa amin. Dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Pilit nalang ako naglilibang sa paglilinis ng bahay at pakikipagchat kay Kendrinn. Dahil ayaw ko na isipin pa si Cylle.

"Sige na..." Pakiusap ni Kendrinn. Kavideo call ko na siya ngayon.

"Sige na nga." Pinapupunta niya kasi ako sa shop. Magkwentuhan daw kami ng personal. "Magpapaalam lang ako."

Tinapos ko ang pag-uusap namin saka ko tinawagan si Cylle.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon