Athena's POV:
Andito ako ngayon sa dati kong pinapasukan. Nasa office ako ng hr ng restaurant na'to para kunin ang huling sahod ko. Mabuti at mabilis lang nila tong naproseso kaya mabilis ko ding nakuha.
"Heto na Athena." Abot ni ms. Mela ng sobre sa akin na may lamang cash.
"Salamat. Mauna na po ako." Paalam ko. Tumayo na ko sa kinauupuan ko saka lumabas ng office. Nakasalubong ko pa ang dati kong boss na head chef.
"Athena." Pansin niya sa akin.
Tumango lang ako saka dumiretso ng lakad.
"Athena." Tawag niyang ulit. "Saglit."
Lumapit siya sa akin. "Um, pasensiya kana sa ginawa ng asawa ko sa pag sesanti niya sayo."
Napalingon ako sa kanya. "O-okay lang po yun chef."
"Pinagdagdagan ko na pala yang huling sahod mo. Para makabawi naman ako sayo."
Ngumiti ako ng pilit para magpasalamat. Pero hindi ibig sabihin nun natutuwa ako sa ginawa niya. Naiinis parin ako sa praning niyang asawa.
"Athena." Inabot niya sa akin ang isang calling card. "Tawagan mo ko sa number na yan kung kailangna mo ng tulong." Hinimas niya pa ang balikat ko.
Napawaksi ako. Manyakis talaga ang lokong to. Huling pagkikita na nga namin nagawa pa akong manyakin.
Kairita.
"Salamat po. Alis na ko chef."
Naglakad na ako paalis. Pagkalayo ko sa restaurant agad kong tinapon ang calling card na ibinigay niya.
Hmpf. Manyakis talaga ang taong yun. Ano akala niya sa akin tanga at magpapauto ako sa kanya. Tanga siya.
Naglakad na ako papunta sa bus loading area ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko.
"Tin."
Si Amara!
Ngayon ko lang siya ulit nakita buhat nung late reception niya sa kasal. Napangiti agad ako.
"Hi." Bati ko.
"Saan ka?" Tanong niya.
"Pauwi na sana."
"Hop in." Aya niya sa akin kaya nagmadali akong sumakay sa sasakyan niya. Ayos libreng pamasahe din to.
"Saan ka galing?" Tanong ko.
"Nakipag kita ako sa kaibigan namin ni Khadix. May hiniling lang na trabaho."
"Ahhh..." Tugon ko. "Eh nasaan na yung asawa mo?"
"Ayon nagpaiwan, may gagawin pa ata sila ng mga kaibigan niya."
Napatango lang ako.
"Meryenda tayo?" Nag-alangan ako sa alok niya dahil kailangan ko magtipid. "My treat." Sabi niya.
Kaya hindi na ako naka angal kay Amara nang iliko niya ang sasakyan papunta sa isang restaurant.
Pagkarating. Agad na siyang umorder ng makakain namin. Habang naka green salad siya umorder lang ako ng pasta.
"May balak ba kayong mag honeymoon ng asawa mo?" Pag-uumpisa ko ng kwentuhan.
Tumango siya. "Yuh, naghahanap lang ako ng magandang tour package."
"Ahh..." Tango ko.
"Nakahanap kana ba ng trabaho mo?" Tanong naman niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi pa. Nahihirapan akong makakita eh."
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
RomanceDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...