Cylle's POV:
Nasa meeting kami ngayon ni Nigel para sa isang malaking construction na gagawin ng kompanya. Masyadong maganda ang project para hindi maalagaan kaya, dalawang architect ang itinalaga namin.
"Hay!" Binabali-bali ni Nigel ang leeg niya dahil sa stress. Pabalik narin kami sa sarili naming kwarto. "Ang dami nating project ngayon. Mabuti nalang madami tayo rito."
"Oo nga eh, ang mahalaga maganda ang tinatakbo nitong firm. Tsaka nga pala nag-email na ako sa korean star. Gusto ko siya makausap by a zoom. Bahala nalang kung ano mag-come up."
"Okay, disisyon mo yan. Meryenda tayo?"
Napatango ako. "Tara."
Lumabas muna kami ni Nigel at nagpunta sa malapit na coffee shop. Pagkarating, agad na kaming umorder. Naupo kami sa isang gilid habang nagpapahinga.
"Nga pala Par, kamusta na ang baby mo?" Tanong ko.
"Okay naman na. Hindi na gaano nahihirapan si Michelle. How about your baby?"
"Okay lang din, maayos na lumalaki. Naeexcite na nga akong makita ang kasarian niya."
"Yuh me too, i wish it will be a girl."
"Ako naman lalaki."
Sabay lang kami napabuntong hininga ni Nigel. Sa mga pinapangarap namin.
"Cylle." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si atty Gail.
Agad akong tumayo para bumeso sa kanya.
"Hello. Why are you here?" Tanong ko narin.
"May dinaanan ako diyan sa kabilang street. At naisipan kong magkape na muna. I don't expect you here, wala kang trabaho?"
Naupo na kami. "No, katatapos lang ng meeting namin. By the way si Nigel, co-founder ko ng firm."
Bumaling ang tingin ni Gail kay Nigel at nakipag shake hands sa kanya. "Nice to meet you."
Napangiti din si Nigel. "Ako din Ms. Gail."
Tinignan din ako ni Nigel na para bang sinasabi niyang maganda talaga si Gail. Tinaas-taasan ko nalang siya ng kilay.
Syempre ako pa pagnamili.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan habang nagkakape.
"O pano, i have to go. Madami pa akong gagawin sa opisina." Paalam ni Nigel.
Naku! Ako din eh.
"Me too, sabay na ako." Saad ko. Ayaw ko pa sanang magpaalam dahil nandito si Gail, kaso kailangan.
Tumayo na kaming pareho.
"Cylle." Napalingon ako sa pagtawag ulit ni Gail. "After work pwede ba tayo magkita?" Tanong niya.
Napatango ako. "Sure."
Ayos! Dumadamoves na siya.
"Okay, see you later." Sabi niya sabay ngiti.
Bumalik na kami sa office ni Nigel at habang naglalakad sa daan. Tinatapik-tapik niya ang balikat ko.
"Sa napansin ko, mukhang gusto ka rin ng Gail na yun."
"Talaga? Sana nga para di na ako mahirapan sa pangliligaw sa kanya."
"Aba! Mukhang handa ka ng pumasok ulit sa relasyon ah. Mabuti yan sayo." Inakbayan ako ni Nigel. "Sa tingin ko hindi ka naman mahihirapan dun. Halata kasi na gusto karin niya."
Tumango ako at napangiti.
Sana nga.
Pagkabalik sa mga lamesa namin naging abala na kami ulit ni Nigel. Halos hindi na nga namin namalayan na uwian na pala.
BINABASA MO ANG
Misster Cylle | ✔
Roman d'amourDumating na sa edad na thirty ang batchelorette lesbian na si Cylle (sa•ay•l). At sa panahong ito siya nalang ang hindi pa nakasettle down sa barkada. Wala paring matinong relasyon, walang deriksyon ang buhay pag ibig. Hanggang isang araw naisipan n...