Forty-two

463 35 2
                                    

Cylle's POV:



Nagising ako na nakaunan sa braso ko si Athena, na tulad ng dati. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niyang maaliwalas tignan. Napansin ko tuloy ang labi niyang mapupula kaya nanumbalik sa alala-alaala ko yung nangyari kagabi.

Shit! Ano yung ginawa ko?!

Hinalikan ko siya?!

Parang bigla akong nataranta at dahan-dahan kong tinanggal yung kamay ko. Maingat na din akong bumaba ng kama. Hay!

Napapailing ako pumasok sa banyo. Dahil parang gusto kong batukan ang sarili ko, sa nagawa ko kagabi. Nakakahiya yun kay Athena!

Tahimik akong lumabas ng kwarto at nagluto ng almusal namin. Kaso hindi ako makapag-concentrate sa pagluluto dahil iniisip ko kung paano ko haharapin si Athena. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya.

"Cylle." Bigla akong kinabahan. Iniisip ko palang siya eh.

Gising na pala.

"Morning." Kaswal na bati ko.

Hindi ko siya matignan ng deritso dahil nahihiya talaga ako.

Cylle. Umakto ka ng normal. Isipin mo nalang na walang nangyari, normal lang ang lahat. Magaling ka naman dun diba? Gawain mo naman yun sa mga nakakadate mo diba?”

Saad ko sa isip ko para kumalma ako.

"Kain na tayo." Hatak ko kay Athena papunta sa dining area. Mabuti at tapos na din ako magluto.

Umupo na kami. Nilagyan niya rin ng itlog ang plato ko. "Sorry pala ulit kagabi ah." Sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay lang yun. Kalimutan mo na yun, di naman ako nasaktan." Sabay yuko.

Shit! Did i say forget?

"Ah? Si-sige." Tugon niya.

Binilisan ko ng kumain at uminom ng tubig. "Bihis na ako." Paalam ko.

Tumayo ako at dumiresto sa kwarto ko ng hindi siya nililingon. Hay! Para na akong mababaliw neto.

Pumasok na ako ng banyo at naligo pagkatapos ay nag-ayos. Pagkalabas ko ng kwarto. Huminto muna ko sa tapat ng pintuan ko habang pinapanuod ko si Athena sa kusina na naghuhugas ng pinagkainan namin.

Lalapitan ko ba siya? Pero dapat, kailangan ko umakto ng normal para hindi kami magkailangan.

"Tin." Lapit ko sa kanya sabay beso. Hindi ko na naramdaman ang pag-iwas niya sa akin tulad nung nakaraan. "Ingat kayo dito ni baby ah."

Tumango siya. "Ingat ka din." Nagpunas siya ng kamay saka inayos ang damit ko. "Nagmadali ka na naman." Sabi niya.

Natitigan ko tuloy ang mukha niya lalong-lalo na ang labi niya.

Shit! Gusto ko ulit halikan!

"Cylle?"

Ha?

"A-alis na ako." Tumalikod na ako at lumabas na ng bahay.

Nagmaneho na ako papasok ng opisina. Habang pilit ko iniiwasang isipin si Athena. Pagkarating ko, wala pa si Nigel. Papasok kaya yun?

Dumiretso na ako sa lamesa ko at nagsimula magtrabaho. Nagbabasa na ako ng mga emails ng maistorbo ako ng isang message mula kay Gail. Gusto niya kumain kami ng lunch together.

Napasandal ako sa kainauupuan ko. Isa pa pala sa dapat kong isipin kung paano na si Gail. Parang nagdadalawang isip akong itigil ang pangliligaw ko sa kanya. Baka kasi siya ang makapagpabago ng nararamdaman ko kay Athena.

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon