Twenty-two

500 23 0
                                    

Athena's POV:


Marahan akong bumaba ng kama ni Cylle dahil mahimbing parin siyang natutulog. Mamaya pa ang gising niyan kaya makakapagluto pa ako ng almusal namin.

Halos patingkayad akong lumabas ng kwarto niya at dahan-dahan na sinara ang pinto.

"Meowww!"

"Ay!" Napahiyaw ako sa pag-atungal ni gray. Nakakaloka naman tong pusa na to.

Pinainom ko na muna siya ng gatas. Pumasok narin ako sa kwarto ko para mag hilamos at magpalit ng damit.

Pagkalabas ko nag-umpisa na akong magluto ng almusal namin.

Ewan ko ba kung bakit napaka-aga ko magising tapos maaga din akong inaantok sa gabi. Kaso nitong nakaraan hindi ako makatulog kapag hindi ko naamoy ang leeg ni Cylle. Hindi ko ma-explain kung anong meron sa leeg niyang yun at gustong-gusto ko. Naamoy ko lang ng isang beses nung manggaling siya sa gym. Tapos ayun na, hinahanap ko na. Hay!

Nahihiya nga ako sa kanyang magsabi kapag gusto kong makitabi dahil baka kung ano ang isipin niya, kaso hindi naman ako makatulog.

Tumigil ako sa ginagawa ko at yumuko.

Hinimas ko ang tyan ko. "Baby hindi ko alam kung ikaw ba ang may dahilan ng mga nangyayaring kawirduhan sa akin ngayon o ano? Pero baka pwedeng tigilan mo na ang paghahanap sa amoy ng—"

Nahinto ako sa sinasabi ko dahil hindi ko alam kung ano itatawag kay Cylle. Mama ng baby ko? Dahil siya naman ng biological mother nito?

Hay! Bahala na nga.

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Saktong pagkagising ni Cylle tapos na ako magluto.

"Goodmorning." Bati ko.

"Morning..." Nakahawak siya sa balikat niyang naupo.

Naku...Kasalanan ko ata kung bakit nanakit ang balikat niya. Baka halos magdamang akong nakaunan sa braso niya.

Lumapit ako kay Cylle at minasahe ang shoulder niya. "Sorry ah." Saad ko.

"O-okay lang."

"Pipilitin ko ng matulog na hindi tatabi sayo."

Tumingin siya sa akin. "It's okay, i can handle. Umupo kana at kumain."

Naupo na ako sa harapan niya at sumabay na kumian. Nilagyan ko narin ng kanin ang plato niya.

"Nga pala, ano itatawag sayo ng baby mo pagkalabas niya? Mommy? Mama?"

Napanguya ng mabilis si Cylle habang nag-iisip. "Dada? Tulad ng tawag namin kay Dada Jein."

"Dada? Parang baby words ng daddy?"

Tumango siya. "Parang ganun? Pero ang alam ko, darling daddy ang meaning ng dada ni Dada Jein eh."

"So Dada Cylle?"

Napatango siya. "Okay naman diba?"

Napatango-tango ako. "Pwede."

Uminom na siya ng tubig saka tumayo.

Ang bilis niya talagang kumain.

Pumasok na rin siya ng kwarto. Nagligpit narin ako dahil tapos narin naman akong kumain. Matapos ko maghugas. Nakalabas narin si Cylle ng kwarto niya.

"Aalis na ako." Paalam niya.

"Saglit." Tawag ko sa kanya. Lumapit ako at inayos ang coat niyang nagugusot. "Ayan, okay na."

Napangiti si Cylle. "Salamat." Sabi niya. "Kung may problema, tawagan mo lang ako."

Napatango ako. "Babye po."

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon