Thirty-eight

450 29 1
                                    

Cylle's POV:



Hindi ko talaga malaman kung bakit hindi ako mapakali sa tuwing hawak ni Athena ang cellphone niya. Nung nakaraang araw pa siya ganyan. Kausap yung Ken na naghatid sa kanya rito.

"Hoy!" Saway ko sa kanya. Nakatutok na naman kasi siya sa cellphone niya. Nakangiti pa. "Tama na nga yang kakacellphone mo." Saad ko sabay hablot ng phone niya.

"Cylle." Nakasimangot na reklamo niya at gusto pang bawiin sa akin yung phone.

"Kumain ka na muna." Uminom na ako ng tubig. Gusto ko na sanang tumayo kaso baka di naman siya kumain ng maayos.

Hay!

Hinintay ko muna siyang kumain bago ako tumayo saka binitbit ang cellphone niya papunta sa kwarto. Pagkapasok ko sa loob agad kong pinatong ang phone niya sa side table saka ako naligo. Pagkalabas ko ng banyo, nakatayo na sa loob ng kwarto ko si Athena at masama itong nakatingin sa akin.

"Ba't mo dinala dito ang cellphone ko?" Nakasimangot na tanong niya.

Nagpupunas ako ng ulo habang nagbubukas ng closet. "Para makakain ka ng maayos. Puro ka kasi cellphone."

"Kakain naman ako ng maasyos eh."

Napairap ako. Talaga lang ah...E, halos ayaw na nga niya bitawan. Kung di ko pa ata nakuha di siya titigil.

"Tin, wala naman talaga akong balak na pagbawalan ka sa ganitong bagay kaso yung anak ko nadadamay. 'Pag hindi ka kumain ng maayos baka mawalan ng sustansiya yang anak ko—"

Natigilan ako sa sinasabi ko dahil kakaiba na siya makatitig sa katawan ko. Parang may pagnanasa. Nakatapis lang kasi ako sa pangbaba habang walang saplot ang pang itaas ko. Parang sa lalaki, nagagawa ko na to dahil nga nagpatapyas na ako ng dibdib at saka nagpa-tone narin ng katawan.

"Hoy Tin!" Pitik ko ng darili sa harap ng mukha niya. "Pinagnanasaan mo ba ang katawan ko?"

Napaatras siya at kurap ng mata. Halatang nagulat sa ginawa ko. "La-labas na ako." Sabi niya sabay alis ng mabilis.

Natatawa nalang ako sa reaksyon niya.

Babae talaga...

Nagbihis na ako at lumabas. Lumapit ako sa kanya at bumeso. Kaso parang naramdaman ko ang pagkailang ni Athena.

Hmm?

Bakit kaya? Madalas naman kaming ganito ah.

"Babye po." Yun nalang ang sinabi niya.

"Sige ingat kayo dito at tumawag ka kung magkaproblema ah."

Tumango siya.

Lumabas na ako at bumiyahe paalis.
Inisiip ko ang mga nagiging reaksyon ni Athena nitong nakaraan. Parang nagbabago siya.

Pagkapasok ko ng ipisina. Sinalubong agad ako ng pagtatalo ni Nigel at ng isa naming engineer na si Peter.

"Hey, what's happening?" Tanong ko.

Umalis si Peter matapos akong mapansin. Tinignan ko nalang si Nigel na naupo at agad na sinapo ang ulo. Halatang nagkaproblema siya.

"Ano yun?" Tayo ko sa harap ng mesa niya.

"We lost a deal." Sagot niya.

"Ha? Kanino?"

"Mr. Markman. Sa Angeles."

Shit! Yan yung pinagmeetingan namin nung nakaraan araw na isa sa malaking konstraksyon.

"Paano?!"

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon