Thirty

496 32 3
                                    

Athena's POV:


"Alis na ako." Bumeso na sa akin si Cylle. Nagliligpit na ako ng pinagkainan namin.

"Ingat po." Tugon ko.

"Tawag ka lang ah."

"Opo." Nagbabye wave na ako pagkatapos ay tinuloy ang paglilinis.

Matapos ko maghugas. Naligo naman ako at naririnig ko si gray na nagtatakbo sa kwarto ko. Ang energetic talaga ng pusang yan. Kahit na kaliliit ng mga paa.

Nagmadali na akong maligo baka kasi kung ano na ang nilalaro ng alaga ko. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko sa ibabaw ng kama ko si gray kagatkagat ang unan ko.

Hmm. Baka kailangan niya ng laruan.

Nagbihis na ako at tumawag kay Cylle. Nagpaalam akong lalabas ng bahay at pupunta sa vet shop. Pumayag naman siya na laging may kasamang bilin.

Nag-ayos lang ako ng konti saka naghintay ng sasakyan sa labas ng gate. Pagkarating ng grab tumulak na ko sa shop.

"Welcome." Bati ng staff. Napangiti lang ako.

"Athena." Napalingon ako sa bumati sa akin.

Si hoodie ay este, si Kendrinn pala.

"Hello." Bati ko din.

"Ano kailangan mo i-assist na kita."

"Stuff toy para sa pusa o kaya kahit anong malalaruan niya."

"Tara dito." Hinila niya ako sa mga estante ng iba't-ibang laruan ng hayop. "Wow, ang ku-cute." Sabi ko.

May hinawakan si Kendrinn at winagayway sa harap ko. Parang wand na may paru-paru sa dulo.

"Heto pangbonding n'yong dalawa. Flexible ang pinapatungan nitong paruparu na pwede mong pangpahabol sa kanya."

"Ahh, sige kukunin ko na to. Saka yung bilog na toy."

"Okay. Nga pala anong lahi ng pusa mo? Local breed?"

"Hindi eh, at saka hindi ko alam ang tawag sa lahi niya." Inilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang picture ni gray.

"Ah. Scottish fold ang tawag sa kanya."

"Ah, scottish pala ang lahi ni gray."

"Gray?"

Tumango ako. "Oo, yun ang pangalan ng pusa kong yan."

"Cute."

"Thank you." Hinawakan ko ng mabuti ang mga pinamili ko saka nagtungo sa counter. Tapos na ako magbayad. "Babye." Paalam ko kay Kendrinn. Kumaway lang ito sa paglabas ko.

Naghahanap na ako ng mabubook ko.

"Athena."

Hmm?

"Sakay kana, ihahatid na kita." Sabi ni Kendrinn. Mula sa loob ng sasakyan niya. "Idadaan nalang kita sa bahay nyo. Paalis din kasi ako."

Tumingin ako sa orasan ko. Magtatanghalian palang ah, out na siya sa trabaho niya?

"Wag na, parating narin naman ang nabook ko." Dahilan ko.

"Cancel it then hop in."

Sige na nga, mainit pa naman maghintay dito. Sumakay narin ako.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong niya.

"Diyan lang sa kabilang kanto."

"Oh? Malapit ka lang pala dito?"

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon