Thirty-three

463 19 0
                                    

Athena's POV:


Bumeso na ako bilang paalam kay Cylle.

"Ingat po." Sabi ko pa.

Pumasok na siya sa trabaho. Habang naglinis naman ako ng bahay. Inayos ko narin ng kulungan ni gray saka naglaba.

Abala na naman ako dito sa loob hanggang magtangahalian. Matapos ko maglunch naupo na ako dito sa sofa habang nanunuod ng cooking show.

Naghahanap ako ng bagong putahe na iluluto ko kay Cylle, para hindi naman siya magsawa. Baka asarin pa ako nun na kakaunti lang ang alam kong lutuin.

Nagtitake down notes na ako dito sa cellphone ko habang napapansin ko si gray na patakbo-takbo dito sa bahay bitbit ang laruan niya. Napunta na tuloy sa kanya ang atensyon ko.

Napakakulit talaga ng pusang to. Pero ubod ng cute. Paminsan naiinis ako sa pagiging hyper niya. Minsan naman, natutuwa ako.

Tinawag ko si gray pero wala itong pakialam sa akin. Tinignan lang ako. Hay! Makapanuod na ngalang ulit ng tv.

Nababagot na ako.

Kaya nilipat ko ang tv kung saan ako pwede manuod ng movie. Nakapili na ako sabay pindot ng play.

Ang drama pala nitong pinapanuod ko dahil naiiyak ako sa mga eksena. Bigla ko tuloy naalala si Cylle.

Hay! Paminsan kasi pakiramdam ko ipinagdadamot ko na sa kanya ang anak niya. Lalo na kapag nababanggit niya sa akin ang babaeng si Gail. Alam ko naman na wala akong karapatan sa batang to dahil hindi ko siya kadugo tapos bayad pa ang pagdadalang tao ko sa kanya. Kaso—naiinis ako kapag naiisip kong ibang tao ang kalalakihan ni baby.

Pakiramdam ko masyado na akong naattach sa bata habang lumalaki siya sa loob ng tiyan ko. Kahit alam ko kung ano ang gusto ni Cylle. Hanggang pagdadala lang ang papel ko sa buhay ng anak niya.

Yumuko ako at hinimas ang tiyan ko.

Bilisan mo ng lumaki baby, para makaalis na ako sa buhay niyo. Ayaw kong dumating yung araw na. Gustohin ko na ang maging magulang mo. Please!

Hmm?

Napalingon sa labas dahil may dumu-doorbell. Nagpunas ako ng luha saka tumayo.

Sino kaya yan?

Tumayo ako at sumilip sa pintuan.

"Cylle!" Sigaw ng mga nagdodoorbell.

Pagbubuksan ko ba sila? Sabi ni Cylle, wag daw ako basta-basta magbubukas ng kahit na sino dahil baka mga masasamang tao.

"Cylle!"

Baka hindi naman. Lumapit ako sa gate at nagbukas ng bahagya. Tatlong tao ang nakikita ko, yung isa may dala pang baby. Pinagbuksan ko na sila ng maayos.

"Sino po sila?" Tanong ko.

"Athena." Sabi ng isang gwapo babae.

"Siya na ba yun Mython?"

"Oo, Ishii siya na nga yun."

"Hi." Bati ng babaeng napakaganda at may kargang bata.

Ibinuka ng maayos nang tomboy na singkit ang gate at sunod-sunod silang pumasok. Natutulala ako sa bilis ng pangyayari. Baka masasamang tao nga ang mga to! Pero pamilyar sa akin yung isa sa matangkad.

Sumunod na ako ng pasok sa loob ng bahay. Sino kaya ang mga to.

"Athena?"

Napatango ako. Pano niya nalaman ang pangalan ko?

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon