Forty-four

478 25 11
                                    

Cylle's POV:



Time flies so fast. Nasa ika-siyan na buwan na ang tiyan ni Athena at malapit na siyang manganak. Naging madalas narin ang pag-aaway naming dalawa dahil dun sa batang mangliligaw niya. Madalas ko na nga ring nakaka-angilan yun. Mabuti nalang inaawat ako ni Athena, kung hindi baka nabanatan ko na.

At sa tuwing nag-aaway kami ni Athena, ang anak kong nasa tiyan niya ang dahilan ng pagkakasundo naming dalawa. Lalo na nung first time kong nakita na gumagalaw ang anak ko sa tiyan niya. Parang sasabog ang puso ko nun sa tuwa. Kahit nga minsan nakahiga kami sa kama at nakayakap ako sa tiyan ni Athena. Pakiramdam ko hinahawakan ng anak ko ang kamay ko dahil nararamdaman ko ang paggalaw niya. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam.

Nakapamili narin kami ng mga gamit ni baby. Kahit hindi kami magkasundo ni Athena sa ilang bagay. Pinagbibigyan ko nalang siya dahil baka pagmulan pa ng away naming dalawa.

Si Gail naman, hindi ko na nakita. Huli kaming nagkausap nung paalis na siya papunta sa amerika kaya hindi na tuloyang magagawa ang bahay niya. Pero, ang ikinagulat ko ay yung huling sinabi niya.

“Sana matutunan mo magpakatotoo diyan sa nararamdaman mo. Hindi lahat ng bagay winawalang bahala lang. Diba dapat alam mo yan dahil business man ka naman.”

May napapansin daw siya sa mga kilos ko pero hindi niya daw sasabihin, hahayaan niya daw ako magkarealize.

Parang nahuhulaan ko naman ang bagay na yun, patungkol yun kay Athena. Na hanggang ngayon hindi ko parin malaman kung may pag-asa ba ako sa kanya. Sa tuwing nagiging sweet siya sa akin, nalalaman kong nakikipagvideo call siya kay Kendrinn. Iniisip ko tuloy, baka kaya ganun siya dahil lang sa buntis siya.

Madalas narin manggulo sa bahay ko si Mommy. At panay narin ang sermon sa akin lalo na kapag daw napapabayaan ko si Athena. Napakuha pa nga ako ng kasambahay na stay-out para lang hindi na magkikilos ni Athena sa bahay.

"Okay na."

Nandito kami ngayon sa clinic ni doc Heart dahil weekly check na ni Athena. Nagbabago talaga kapag kabuwanan na.

"Any way guys, ano nga pala pangalan ng baby boy nyo?" Tanong niya pa.

Nagkatinginan kami ni Athena dahil hanggang ngayon di parin kami nakakapag decide. Ang dami kong naiisip pero ayaw niya. Madami din siyang suggestion pero ayaw ko.

"Wala pa doc eh." Sagot ko.

"Kailangan nyo na mag-isip dahil anytime soon, lalabas na yang angel nyo." Saad ni doc Heart.

"Opo." Sagot ni Athena.

"Okay, see next week."

Tumayo na kami at lumabas ng clinic. Pagkasakay namin sa kotse, bumiyahe na kami papunta sa bahay ng mga Cruz. Nakapanganak na kasi si Veronica ang asawa ni Spencer Jane. Ang totoo kakakasal lang din nila. Isang buwan bago manganak si Nica.

Excited akong makita ang muting anghel ni Spencer sa pangalawang pagkakataon. Pero ngayon kasama ko na si Athena. Tutal naman kilala narin siya ng lahat dahil panay ang dalaw nila sa bahay.

"Cylle. Ano na ang ipapangalan natin kay baby?" Himas ni Athena sa tiyan niya.

Ang hirap mag-isip. Ako naman kahit ano basta maganda pakinggan. Si Athena naman gusto may kahulugan ang pangalan dahil dun daw maggagaling ang ilang ugali niya. So meaning kapag Cylle ang pangalan, kaugali ko? Ganun ba yun? Siya nga diyan ang meaning ng pangalan niya ay hango sa goddess ng greyego. Si Athena goddess of wisdom and war. Kung sabagay...may katapangan ka nga siya at may karunungan sa pagluluto.

"Cylle?"

Hay!

"Kilala mo ba ang yung batang prensipe na pinapalabas noon sa tv. Yung apo ng kung sinong mayaman."

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon