Thirty-four

461 26 2
                                    

Cylle's POV:


Pakamot ulo akong nagdadrive ngayon papunta sa grocery store. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla nalang sumulpot ang mga ungas na'to at binulabog ang bahay ko!

Tsk! "Ano bang kailangan nyo at bigla kayong pumunta sa bahay? Hindi pa kayo nagsabi man lang."

"So, ano naman kung hindi kami magsabi may tinatago ka ba?" Sabi ni Mython na parang pagmamay-ari ang sasakayan ko kung makahiga.

"Ginulat niyo kasi ang kasama ko sa bahay. Sa mga itsura nyong dalawa malang pinag-isipan kayo nun ng masama."

Dumungaw si Mython sa front seat.

"Ikaw ah, binahay mo pala ang surrogate mother mo, di mo man lang sinasabi sa amin."

Binahay? Anong pinagsasabi niya?!

"Hoy damulag. Ayos-ayosin mo yang sinasabi mo ah. Saka alam nyo naman yun ah. Ba't kailangan ko pang sabihin."

"Wala kang sinabi bansot!"

"Meron ungas!"

"Stop it!" Saway ni Ishii. "Hindi namin alam na kasama mo siya sa bahay, Cylle."

Eh ano ngayon?!

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko pa ba sabihin sa kanila lahat ng disisyon ko sa buhay?

"Anyway. She look so beautiful. Naalala ko si Sab sa kanya nung panahon na nagbubuntis siya."

"Eh ano kung maganda siya. Di naman yun mamana ng anak ko." Tugon ko.

Ginulo ni Mython ang buho ko. "Ang sungit mo bansot."

"Nakakainis kasi kayo, nagpaalam pa ako sa kalagitnaan ng meeting namin dahil dumating kayo."

"Naku...parang di mo naman gawain yan dati kapag makikipaglampungan ka."

Talaga naman!

Inikot ko na ang manibela ko papasok sa loob ng parking lot. Pagkapatay ng makina bumaba na kami agad.

Pumasok na kami sa loob.

"Parang gusto ko ng wine." Sabi ni Ishii.

"Wag na. Mag tequila nalang tayo, siguro naman namiss nyo yun?" Napapailing lang kami ni Ishii dito kay Mython.

"Hapon, kamusta na pala yan?" Siko ko kay Ishii at tukoy kay Mython na nauunang maglakad.

"Okay na yung fiancee niya pero itong si damulag umaataki na naman ang ego niya."

Nilingon ko siya. "Ano?! Wag mong sabihin na, tinitiis niya yung babae?"

"Ganun na nga."

Hay! Ang taong to talaga. "Tsk. May babae ba siya ngayon?"

"Wala naman sa palagay ko."

Napatango ako. "Si Spencer at Khadix nga pala?"

"Hindi sila makakarating, pero magsiset kami ulit ng araw para dalawin ka. Sa ngayon kasi busy din ang dalawang yun. Alam mo nang buntis din si Nica."

"Kung sabagay."

"Hoy! Ano ba magkukwentuhan lang ba kayo diyan at hindi bibili." Sabat sa amin ni Mython.

Dumampot na kami saka nagbayad sa counter. Tapos bumiyahe na pauwi.

Pagkarating namin napansin kong abala na sina Athena at Sabrina sa pagkain.

Parang...may na-aalala ako sa eksenang ganito. Parang nangyari nato dati.

Tinapik ako sa balikat ni Ishii. "Cylle. Sa garden nalang daw tayo para makapag barbeque."

Misster Cylle | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon