CHAPTER 1

663 49 2
                                    

Chapter 1: Confused

Tumayo ako mula sa lupa at pinagpagpag ang damit kong may mga putik na. Mukha akong taong kalye sa itsura kong ito.

Kinuha ko ang bag kong mas lalong naging pangit. Bagaman nalilito, pinulot ko pa rin ang mga gamit ko. Kahit gaano pa ka luma ang isang bagay mayroon pa rin itong halaga no! Sa taong mahirap na kagaya ko luma man o bago ay pare-parehong may kahalagahan sa akin.

"Waaaah! Mabuti nalang at hindi niya nakuha ang pera!" masayang ani ko.

Matapos kong pinulot ay sinukbit ko na ito sa balikat ko. Nagpupunas ako ng luha habang naglalakad papasok sa palengke upang bilhin na ang mga kailanganin ni tita Ursula.

"Oh Laine, anong bibilhin mo?" bungad ng suki namin sa palengke.

Ngumiti ako kay aleng Mila na kasalukuyang pinagtataboy ang bawat langaw na dumadapo sa mga panindang karne at isda.

"Yong mga kailangan para sa pinakbet at kare-kare po." sagot ko.

Ngumiti naman siya na alam kong peke. Ganyan talaga ang mga tao eh, akala mo mabuti yun pala hindi. Mabuti kapag nakaharap ngunit pag nakatalikod naman sasaksakin ka.

"Oh ito na Laine! Sabihin mo sa nanay-nanayan mong pumunta siya sa bahay bukas ng hapon ah? May dalang lambanog ang kumpare namin." bilin niya.

Tinanguhan ko lang siya bago kinuha ang mga plastik kung saan nakalagay ang mga gulay at karne. Mabilis na lumabas ako sa palengke dahil nakikita kong gumagabi na baka tuluyan  akong chop-chopin ni tita Ursula eh.

"Sa ikatlong gabi..."

"Sa ikatlong gabi..."

"Sa ikatlong gabi..."

Hindi ko mapigilang hindi kilabutan ng marinig ang boses ng isang babae. Medyo nahihiwagaan pa ako kung totoo yong nakita at narinig ko kanina pa.

"Tsk! Ayan kase hindi ka pa kumain ayan tuloy kung ano-ano na naiisip at naririnig mo!" saway ko sa sarili ko.

Nakarating ako sa bahay ng walang ibang naramdaman kundi ang kaba. Kinakabahan ako nung makitang naka pamewayang na si tita Ursula sa harapan ng bahay namin na alam kong nag-aantay sa akin.

"Punyeta kang bata ka! Sinabi ko sayong umuwi ka agad! Tignan mo ang tatay mo! Nasa loob na ng kwarto at nagpapahinga! Nyeta ka!"

Hinablot niya sa aking ang mga pinamili ko sa palengke at nauna ng maglakad papasok sa bahay.

Pansamantala akong tumingala sa kalangitan. Kumikislap ang mga bituin ng sobrang ganda. Ang kulay ng kalangitan na kasing kulay ng buhay ko, MADILIM.

"Bakit naman po ganito ang binigay mong buhay sa akin? Simula bata pa lang ako naranasan ko na lahat ng sakit at hirap." wala sa sariling tanong ko sa kalangitan.

Mukha akong tangang nag-aantay ng sagot mula sa itaas pero wala naman din akong nakuhang sagot.

"Hays, oo! Taeng buhay to!"

Nagpapadyak ako nung narinig ko namang tinawag ako ng magaling kong nanay-nanayan sa loob ng bahay.

"BAKIT WALANG BAGOONG DITO?!" sigaw na patanong niya.

'Wala naman siyang sinabing ganun ah?!'

"P-po? W-wala naman po kayong binilin na bumili ako nun." utal kong sagot.

Nakaramdam ako ng kaba nang huminto sya sa paghihiwa sa mga gulay at humarap sa akin.

"ALAM MO?! BOBA KA TALAGA EH NO?! MAG TIIS KA SA ASIN! LETCHE KANG BATA KA! NAPAKA WALANG KWENTA MO!"

A GUY FROM THE BOOK OF FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon