Chapter 37: JealousTHEMVERLAINE POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang ihi kong gusto ng lumabas sa pantog ko. Nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa lampshade na nakabukas. Mahimbing na natutulog ang tatlo sa kani-kanilang mga higaan. Nagtaka ako kung bakit hindi ko makita si Cerebro.
"Sa kanya tong kama na ito. Bakit wala siya?" bulong ko.
Kinusot ko ang mga mata ko at tsaka tumayo. Saktong pagtayo ko muntikan ko ng maapakan ang taong natutulog sa baba ng kama na naka crossed arms pa.
'T-the heck?! Bakit dyan siya natulog?'
Nakaramdam ako ng konsensya dahil ako ang humiga sa kama niya samantalang siya ay nakahiga lang sa sahig na tangin comforter lang ang sapin. Wala rin siyang kumot kaya naman hinila ko ito at tinakpan ang ilang bahagi ng katawan niya.
Pakiramdam ko bumalik ang ihi ko papasok nung makita siya. Bumaba ako sa kama at umupo upang malaya kong mapagmasdan ang mukha niya.
"Pwede ka naman sanang tumabi sa akin? Bakit dyan ka pa natulog? Hays!" malungkot na bulong ko.
Maingat kong hinaplos ang pisnge niya. Nakaka-konsensya ngang hawakan dahil hindi ako nakapag alcohol ng kamay. Hiyang-hiya ako sa makinis at maputi niyang mukha. Baka pag hinawakan ko magkaroon ng tigyawat dahil sa bacteria na nasa kamay ko.
'Napasobra ata sa gluta tong magandang lalaki na to.'
"Anong brand ng lipstick mo? Hehe natural ba talaga na mapupula yan? Bakit ang nipis ng mga labi mo? Siguro nag pa surgery ka no?"
Bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay mahihina. Ayoko namang magising nalang siya bigla.
"Anong pabango mo? Bakit nakakadik yang amoy mo? Parang isang matamis na pagkain."
"May magnet ka ba? Grabe ka! Parang gusto ko kase na palagi akong nakadikit sayo."
"May gayuma ka siguro no? Grabe ka talaga!"
Pinisil ko ng mahina ang pisnge niya. Nakakagigil kase talaga. Piningot ko ang matangos niyang ilong. Hiyang-hiya ang blackheads at whiteheads na dumapo sa balat niya dahil sa sobrang linis niya sa katawan.
Napatitig ako ng matagal sa mala rosas niyang maninipis na labi. Hinayaan ko ang sarili kong maakit dito. Pumikit ako at dinampian siya ng halik. Akmang bubuhatin ko na sana ang ulo ko kaso gumalaw ang kanyang kamay sabay hawak sa batok ko upang diinan ang halik.
'Daamn! Amoy toothpaste pa ang hininga niya! Nakakahiya!'
"Uhhmm... Cerebro h-hindi pa ako nakakapag toothbrush." hingal kong sabi.
Minulat niya ang kanyang mga mata. Nasilayan ko ang kulay asul niyang mga mata at ang nakakabighaning ngiti niya.
"I don't care. Even if you are not brushing your teeth for years, I will still kiss you." nakangiti niyang wika.
*DUG!TUG!DUG!TUG!DUG!TUG!*
'Jusmeeehyuh! Pigilan niyo ako! Kawawa tong labi niya mamaya!'
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasiThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...