CHAPTER 40

187 16 0
                                    

Chapter 40: Stranger

"Nasaan na ang Fresmire at Wasonind?"

"We're here."

Naunang pumagitna ang Fresmire na pinangungunahan ni Chirron kasunod ang dalawang kasamahan.  Sinundan naman ng Wasonind.

Impit na napatili ang mga kababaihan sa mga nag ga-gwapuhang mga kalalakihan. Maging ang mga kalalakihan ay napanganga nung makita si Terry at Liza.

"Okay. You'll be the facilitators. Kayo ang magbabantay sa mga kalahok. Ang makita ninyong gumamit ng kapangyarihan ay isusumbong ninyo sa akin at hindi ako magdalawang isip na pugutan ng ulo." sabi niya.

Tumango ang Fresmire at ang Wasonind sa sinabi ng punong kawal.

"Maging kayo ay hindi maaring gumamit ng kapangyarihan."

Tumingin siya sa direksyon ni Cerebro na tila natatakot pa. Napangiwi ako sa kaduwagan niya. Bilang pinunong kawal hindi niya dapat ipakita yun sa harapan mismo ng karamihan.

"Don't worry about me. I'll only use it when it's really necessary." pagsuko ni Cerebro.

"Wah! Seryoso?! Himala!"

"Anong himala doon? Gagamit pa rin siya kung kelan niya gusto wag kang bobo!"

"TAHIMIK! SIMULAN NA ANG PAGSASANAY!"

Natataranta ako na hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na ako na ang maglalaban.

"Remember what I've said to you. I'm here to protect you. Do what you can and I'll take care the counterpart." pagpapakalma ni Cerebro sa akin.

Akmang hahawakan ko na sana siya kaso may naramdaman akong humila sa isang kamay ko. Kinabahan ako ngunit hinawakan ng mahigpit ni Cerebro ang kanang kamay ko.

"Let her hand go." malamig at nahihimigan kong may kasamang pagbabanta.

"Who are you to order me?" panunuksong sagot naman ni Fenyr.

"A person you're impersonating?" bakas na ngayon ang nakakalokong ngisi sa labi ni master.

"Funny. Why would I impersonate a person like you?" pilosopong tugon ni Fenyr.

"Why don't you ask yourself?" nakakalokong tanong ni Cerebro at sinabayan pa ng nakakainsultong tawa.

"A-ano ba Cerebro! Pwede bang tumigil kana?! Hindi ka ba napapagod gumawa ng eksena?!" galit na sabi ko sa kanya.

Naningkit ang kanyang mga mata at nakakunot pa ang noong tumingin sa akin, "relax. I'm just being honest here."

"Anong relax?! Relax ba yang pinapahiya mo ang tao?! Paano ka nakakarelax ha?!" sigaw ko sa kanya.

Nauubos na talaga ang pasensya ko kakaintindi sa letcheng to. Masyado siyang pabida sa lahat ng bagay. Aaminin kong hindi na ako natutuwa.

"Calm down love." bulong ni Fenyr sa tenga ko.

Humigpit ang hawak ni Cerebro sa kamay ko siguro ay narinig niya kung anong binulong sa akin ni Fenyr.

"What did you called to her? Can you say it again?" nagtaim ang mga bagang ni Cerebro.

"LOVE? HAHA! Don't tell me you're jealous?" sagot ni Fenyr.

"How sure you are that I am?"

Nagulat ako nung sinagot ni Cerebro si Fenyr ng ganon. Parang nabasag ang eardrums ko.

"100%." nakangiting sagot naman ng isa.

A GUY FROM THE BOOK OF FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon