Chapter 28: meeting
"Our position will be finish tomorrow."
Nagulat ako nung nagsalita si Breece. Kasalukuyan kaming nasa couch. Si Pyre ay nasa harapan pa rin ng computer na walang pakealam.
"We're still an ordinary people. Ganon naman talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng oras ay angat tayo sa iba." seryosong sagot ni Terry.
"Excuse me? Anong ibig ninyong sabihin?" takang tanong ko sa kanila.
Tumingin si Terry sa akin. Malungkot ang kanyang mga mata, "everyone will be gather in the palace tomorrow. We will be there staying for months to train ourselves. Pagkatapos mag training, the most challenging day will come. Doon na papasok ang survival of the strongest and powerful persons."
Bigla na naman akong nakaramdam ng takot sa hindi malamang dahilan.
"Nakakatakot naman 'yan. Lahat ba may mga kapangyarihan?"
"Not all. Others possess minor powers. Kaya kawawa ka dahil kapag mahina ka magiging human testing ka. Walang pakialam si heneral kung mamatay ka man." anya pa.
"Peste pala yang heneral na yan eh no?! Paano niya makakayang tignan ang mga taong mahihina na mamatay lang?" hindi ko napigilang mainis.
"Hindi niya gusto ang mga mahihina kaya wala siyang pakealam. Hindi naman matatapang kaya mas mabuti pang mamatay nalang. Wala tayong magagawa dahil ganon ang mindset niya."
"Lahat ba ay kailangang pumunta sa palasyo?" tanong ko.
Masyado akong matanong pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nagtanong at hindi nila sagutin.
"Yes. But ang mag lalaban lang ay ang mga kabataan o mga hindi pa pamilyado. Kaya hindi ko masisisi kung maraming nag-aasawa para makaligtas event eh." sagot niya sabay nagtiim bagang.
"You're asking too much. Where did you came from?" sabat naman ni Pyre.
Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ounga. I've noticed that. Parang hindi ka naman taga rito kung makapagtanong ka." tanong ni Terry sa akin.
Nangangalay na ang balikat ko dahil hanggang ngayon hindi parin inaalis ni Cerebro ang ulo niyang nakasandal sa akin.
"Ah eh, hehe---"
"Why didn't you admit that you are a woman who used to ask such obvious things? Tsk! You're giving them fake hypothesis that you came from other world where in fact we grew up together?" sabat ni Cerebro.
Inalis niya ang ulo sa balikat ko at tumingin ng masama sa akin na tila ba may nagawa akong katangahan.
'Sinungaling! Anong grew up together?! Ni magkaiba nga tayo ng mundo eh!'
"Ah kaya pala hindi ka natatakot sa kanya?" inosenteng wika ni Terry.
Hindi ko alam kung bakit napatawa si Breece. Hindi ko nalang ito pinansin at tumango. Akmang magsasalita pa sana si Terry kaso tumayo na si Cerebro.
"It's getting late. We're going home now. Thank you for taking good care of this hard headed woman." anya sabay hila sa kamay ko.
"Aray! Pwede ka naman kase magsalita bakit manghahatak pa?!" singhal ko.
Hindi niya ako pinansin kaya ako nalang ang nahiya, lumapit ako kay Terry para bigyan siya ng halik sa pisnge.
"Ingat kayo." anya.
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...