Chapter 7: Got lost
Inabot ako ng gabi malapit sa kagubatan. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa lugar na to dahil kaina pa akong naglalakad pero hindi ko alam kung saan ako pumupunta. Nalaman kong gabi na pala dahil bumalik na sa kulay itim ang kalangitan.
Umangat ako ng tingin sa kalangitan at parang may pumutok na ideya sa isipan ko nung nakita ko ang bilog na buwan.
"R-ritual?! K-kaya ba ako nandito dahil sa ritual na ginawa ko?"
Halos hindi ako makapaniwalang totoo pala ang sinabi ng matanda.
"Eh! Gaga ka pala eh! Bakit mo naman kase ginawa?! Wala namang mahika sa loob ng libro na yun ah?! Bakit ngayon may mga mahika at nagsasalita ang lahat ng may buhay dito?!"
Mukha na akong nababaliw sa pag-iisip. Parang nagsisisi na tuloy ako kung bakit nandito ako. Hindi ko talaga inakalang totoo ang sinabi ng matanda. Nais ko lang namang mapunta sa mundo kung saan si Fenyr eh! Wala naman ako nasa mundo ng libro na yun!
"Scammer talaga yong matandang yun!" singhal ko.
'Hala?!'
"Paano naman ako makakalabas sa mundong ito ng buhay?! Ang sabi ko sa mundo kung nasaan si Fenyr eh! Bakit kase walang pamagat yong libro na yun?!"
Ang gulo! Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako nina tatay at Ursula sa bahay dahil wala pa namang gagawa sa mga gawaing bahay doon.. Paano na kaya to? Naramdaman ko pa namang nagugutom na ako. Mas mabuti pa talaga na mag dildil nalang ng asin kesa hindi kumain ng buong araw. Mas grabe naman to! Hindi naman porket sanay na ako na walang makain eh dapat magutom na naman ako.
"Walang awa? Jusko naman saan ako mag hahanap ng makakain sa kagubatan na nakakatakot?! Letche!"
Pasintabi sa mga hindi nagmumura dyan. Hindi niyo naman ako masisisi kung lumaki akong may kasamang makasalanan ang dila no! Ano ka santo kaya hindi ka nakakagawa ng kasalanan?!
"Pero seryosong salita to mga mare at pare ko dyan, normal lang talaga na makakagawa tayo ng kasalanan dahil wala namang perpekto diba? PERO KAYA NATIN IWASAN GUMAWA NG KASALANAN diba? Choice talaga natin yan kung nakakagawa tayo ng kasalanan."
"Aist! Ano ba yan Themverlaine?! Problemado na nga't gutom mag sesermon kapa dyan! Mag hanap ka kaya ng paraan para makauwi eh no? Hindi yong puro satsat ka lang dyan wala namang binatbat!"
Hays oo! Padabog na sinipa ko ang ilang maliliit na bato sa sobrang inis. Naisipan ko nalang pasukin ang nakakatakot na gubat. Hindi ko na pinansin ang sinabi ng letcheng kabayo na teritoryo to ng nakakatakot na nilalang. Parang nagbibiro lang naman siguro yun dahil kanina pa ako nandirito pero wala naman akong nakita at napansin na iba.
"AWOOOOOOOOOOOO! AWOOOO!"
Nasa kalagitnaan palang ako ng paglalakad sa kagubatan ng may narinig na huni ng lobo. Na praning na ako kakaisip na baka may mga vampira sa lugar na to. Diba kung may lobo may bampira rin?! Baka mamaya mga werewolf pala sila tapos bigla lang akong kainin ng buhay eh! Nagsisisi na talaga ako.
Madilim na ang dinada-anan ko at tanging ang sinag nalang ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa bawak daang tinatahak ko. Bukod sa madilim eh, kinikilabutan ako lalo na at nakakatakot talaga dito..may ilang puno pa ang gumagalaw na parang nagsasayaw o sadyang dala lang ito ng hangin. Wala namang ibang naririnig kundi yong huni ng lobo kanina.
"Mwehehehehe! Saan ang iyong punta binibini? Mweehehehehe!"
Lumingon ako para tuntunin ang pinanggalingan ng boses at wala naman akong nakita. Ang weird!
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...