CHAPTER 2

581 47 1
                                    


Chapter 2: mystery old man

"You're so evil Fenyr! How could you do this to me?!"

"I didn't killed your mother Elizabeth... P-please believe me."

"No! Everybody said you're the last one they saw with my mother! You're so evil! I'm breaking up with you!"

"N-no! Please Elizabeth! B-believe me."

Pinag ti-tiisan ko ang lamparang tanging gamit kong ilaw upang basahin na naman ang libro. Naiirita ako dahil hindi ko alam kung paano namatay ang nanay ni Elizabeth dahil nawala ang ilang pahina ng libro. Naiiyak akong nagbabasa tuwing nahihirapan si Fenyr. Kahit na hindi ko nakikita ang itsura niya, okay lang sa akin. Ako na ang bahalang mag imagine kung anong itsura niya no?

Naisipan ko ng matulog na dahil gabi na at kailangan kong gumising ng maaga bukas. Tiniklop ko ang libro at humiga na sa higaan kong banig. katabi ko lagi ang libro na to tuwing natutulog ako. Pakiramdam ko nga hindi ko kayang mabuhay kapag hindi ko ito nahahawakan at katabi eh. Masyadong nakadikit na to sa buhay ko.

"Goodnight."

Kinabukasan

I yawned as I got out from my bed. It's a nice morning because I have a chance to see the beautiful sunshine again. Hindi kase lahat ng natutulog ay maayos na nakakagising. So it's a blessing for everyone to wake up every morning. Samahan na rin ng prayer which made our mood feel better.

Lumabas ako sa kwarto na hindi pa naka pagsuklay. Hindi naman kase usong gawain sa akin yan at hindi ako sanay na nag-aayos sa sarili.

"Hays, kailan kaya kami makakaranas na gumamit ng rice cooker? Nakakatamad na talaga mag sibak ng kahoy jusko!" I heaved a dramatic sigh before getting ready myself to make a fire made from woods.

Kahoy kase ang ginamamit namin upang makapagluto ng pagkain namin at ang pinaka-ayae ko sa lahat ay ang magpabuhay ng apoy. Nakaka-inis lang dahil kung mamatay kailangan pang hipan. Actually may pusporo naman kami yun ngalang, isang stick lang ang pwede kong gamitin dahil nabilang na ng magaling kong nanay-nanayan kung hanggang kelan to mauubos.

'Saan ka pa? Tsk!'

Kinuha ko na ang kaldero namin at nagsimula ng magsaing. Madilim pa kung kaya masasabi kong nasa alas kwatro pa lang ng umaga. Nakasanayan ko ng magising ng maaga pa tuwing umaga para pag gising ng senyorita at senyorito ay babangon nalang sila at kumain. Tutal may ulam naman na naluto, kailangan ko nalang itong initin baka mamaha ako pa ang pag-initan ng ulo, mahirap na.

"Nasaan na ang gatas ko?! Kanina ka pa pala naka tunga-nga riyan bakit hindi mo ako hinatiran ng gatas?" demanding na tanong ni Ursula.

Ang aga-aga pa eh, mainit na agad ang ulo, "nasa harapan mo lang po donya senyorita, uso po bang tanong bago sumasatsat yang mala kanyon natin na bunganga." iritang sagot ko.

Nakaramdam ako ng kaba nang nakita ko kung paano nag-iba ang ang timpla ng kangang mukha siguro dahil sa kawalan ng galang o kabastusan kong sumagot.

"Bakit malamig na to?!" pasinghal niyang tanong.

"Palalamigin mo rin naman yan bago inumin bakit pa kailangan ng mainit?"

"Bastos ka talagang bata ha!"

Sinalubong ko ang matutulis niyang tingin at bahagyang itinaas ang kilay, "hindi kabastusan ang magsalita ng katotohanan tita Ursula."

A GUY FROM THE BOOK OF FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon