Chapter 11: scary person
"Hahaha! Kung hindi ba naman kase siya tanga pre sana wala siya sa kulungan na to"
"Sinabi na nga ni pinunong kawal na parating na ang mga Fresmire, tatanga-tanga ba naman? Tsk!"
Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao. Unti-unti kong minulat ang mata at nagulat na nasa loob ako ng,
"K-KULUNGAN?! WHAT THE HECK?!" bulalas ko.
Naalerto ang mga kawal sa labas at tumingin sa akin, "gising na pala ang mangmang!"
'Bwesit?! Paano naman ako naging mangmang?!'
"Huy! Kung hambalusin ko kaya yang nyeta mong bibig eh no?! Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako yumuko duh!" sagot ko sa mas mukhang mangmang.
Hindi sila sumagot sa akin at nagkatinginan silang dalawa.
"Tara na at dalhin na natin sa fresmire!"
Mabilis nilang binuksan ang pintuan ng kulungan ko at marahas na hinablot ang mga kamay ko. Madilim sa loob at may apoy na tanging nag sisilbing ilaw sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga tao sa ibang silda na duguan, ang iba naman ay may sunog na balat at ang iba ay mga taong nag yelo na. Kinakabahan ako kung anong kahahantungan ko.
'Tsk! Sana pala lumuhod nalang ako!'
Parang nagsisisi na tuloy ako! Sana pala lumuhod nalang ako para naman sobra-sobra na ang pag galang ko sa kanila. Bwesit naman eh!
"Heto na ang babae mga kagalang-galang na Fresmire!" wika ng lalaki.
Nakarating kami sa parang palasyo?! Siguro parang palasyo nga at may pitong mga naglalakihang mga silya sa harapan.
"You may leave."
Binagsak ako ng mga kawal nung marinig ang boses ng isang lalaki. Umikot ako at nakita ang lalaking may pulang kapa na itim ang buhok habang nakangiti sa akin ng malapad.
Para naman hindi madagdagan ang parusa ko, yumuko nalang ako kahit na nakaupo sa sahig. Baka mamaya bigla akong gamiting pang lampaso rito.
Naramdaman kong nilampasan nila ako kasunod niya ang isang babae at lalaki.
"G-good evening general Tuxciano."
Biglang nataranda naman ang lahat kaya nag angat ako ng paningin at nakita ang lalaking nakasuot ng kulay puting kapa na kasalukuyang naglalakad sa pinaka gitnang upuan.
"Where's the Wasonind? You always came early than them!" galit na sabi niya.
"Where here."
Kaagad namang pumasok ang tatlong tao na nakasuot ng kulay berdeng kapa. Nasilayan ko ang babaeng astig pero maganda na may kulay asul na buhok na hindi bababa sa balikat. Maganda ang hubog ng katawan at may nakasabit pang espada sa kanyang tagiliran. Ang dalawang nakita ko na yong isang lalaki noon, may matipunong pangangatawan, matangkad, gwapo at nakakatindig balahibo ang kanyang presensya. Mukhang mapanganib at mukhang nakakapaminsala.
Ang isa naman ay tahimik lang na naglalakad habang ang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Medyo kulay de gatas ang kanyang buhok ngunit malamig ang kanyang presensya.
"Since everyone are here. Kindly explain what the rule she disobeyed?" makapangyariang sabi ng heneral.
Nakaupo na silang lahat, pinalibot ko ang paningin ko. Napapaligiran kaming lahat ng mga kawal na may mga kanya-kanyang sibat. Saktong pagtingin ko sa harapan, tumama ang paningin ko sa lalaking nakasuot ng kulay berdeng kapa na seryosong nakatingin sa akin habang napailing pa.
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...