Chapter 48: Traitors
Pinagmasdan ko ang likuran ni Cerebro habang naglalakad palayo. Hindi ko siya nagawang habulin dahil nirerespeto ko ang desisyon niya. Alam kong mahirap para sa aming dalawa ngunit wala akong choice kung hindi sumang-ayon nalang.
"Fenyr! Fenyr! Tang-inang Fenyr na yan!"
Napamura ako habang kinukusot ang mga mata kong namamaga na kakaiyak. Tumutulo na rin ang sipon ko. Nakakadiri!
Naiinis talaga ako! Bakit ba kase hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya?! Bakit kase hindi ko alam na nandito pala talaga si Fenyr? Bakit huli na ang lahat?! Kung saan na hulog na ang loob ko kay Cerebro doon din sa susulpot!
"H-hala!!! Nilalagnat pala si Cerebro?!" natatarantang sigaw ko.
Pinunasan ko ang mukha ko at inayos pa ang ilang hibla ng buhok na nababasa dahil sa mga luha kong kulang nalang maging sampung balde na.
Nagmamadali akong lumabas sa tent niya at tsaka sinarhan para hindi pumasok ang mga lamok. Bitbit ko ang isang maliit na mineral bottle at ang mga gamot na kinuha ko sa itaas ng lamesa ni Pyre kanina.
May bonfire na sa pinakagitna, may ibang nag gigitara at kumakanta, may ibang kumakain ng mga chips at ang iba naman ay nag-uusap.
'Natulog akong nakasandal sa puno ng kahoy ngunit nagising akong nasa loob na ng tent. Does it mean he carried me to sleep in his tent?'
Nakokonsensya na naman tuloy ako. Masyado na akong pabigat sa kanila lalo na kay Cerebro.
"Laine. Huy lika dito kakain kana!"
Napahinto ako at nilingon ang babaeng nagsalita, walang iba kung hindi si Terry na sumilay pa sa pintuan ng tent. Hindi ko makita kung may kasama ba siya o wala.
Nahihiyang ngumiti ako sakto namang kakarating lang ni Pyre at Breece na may dala-dalang empthy bottle.
"We don't like the water there. Can you please fill this bottle using your magic Terry?" malumanay na wika ni Breece.
Pinasadaan ako ng tingin ni Pyre. Kumunot pa ang kanyang noo at itinaas ang kilay. Napaiwas kaagad ako ng tingin. Sakto namang nakita ko si Weif na napahinto at nagtatakang tumingin sa akin.
Napayuko nalang ako nang makitang lumapit siya sa direksyon namin.
"Hey what are you doing here Weif? Where's your group?" nakangiting tanong ni Terry.
Palakaibigan pala talaga si Terry hindi ngalang halata sa kanya.
"Yow. I don't know where they are.
Did you eat already?" tanong niya rin pabalik kay Terry ngunit hindi niya tinanggal ang paningin sa akin.Nakaramdam ako ng pagka-ilang kaya binato siya ni Breece ng empty bottle,
"Why are you staring at her like that?!"Doon lang niya inalis ang tingin sa akin at nag kibit balikat. Binalik niya rin kaagad ang binato ni Breece.
"I'm wondering what happen to her. She looks sad and her eyes were swelling. Her cheeks were also pinkish." nagtatakang tinignan niya ako.
Mas lalo akong nailang nung lahat sila ay nakatingin na rin sa akin. Muli kong sinuot ang hood ng jacket ko upang hindi nila gaanong makita.
'Ang tatalas naman ng mga mata nila! Paanong nakita nilang namamaga ang mga mata ko sa ganitong kadilim?'
"I also run with Cerebro, he went to somewhere and I think he was crying too? I can't believe and I don't really saw it but I'm sure he cried." nagtatakang sabi niya pa rin.
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...