CHAPTER 41

162 20 0
                                    

Chapter 41: I don't know who are you.

Three months later

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Isang buwan nalang bago sumapit ang nakakakilabot na araw kung saan ang siyang rason kung bakit kami nandito at nagsasanay.

Nasa Eatery hall kami ngayon. Araw ng linggo at pinagpaliban muna ni heneral Tuxciano ang pagsasanay upang makapagpahinga naman kami.

"Why aren't you eating yet? Hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo."
Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Fenyr na nasa harapan ko lang na kumakain.

"Ah eh. Busog pa kase ako." palusot ko.

Padabog niyang binagsak ang tinidor at tsaka tumingin sa akin ng nakakatakot. Ganito kami palagi, idadaan niya ako sa pananakot tuwing may hindi ako ginagawang tama sa paningin niya. Madalas natatakot ako ngunit hindi ko pinapahalata sa kanya.

"Kakain ka o ipapakain ko yang buong pinggan sayo?" banta niya.

Hinawakan ko ang kutsara at nag-umpisa ng kumain. Ayoko kaseng maulit yong nangyari sa akin noong isang linggo lang. Sinampal niya ako ng pinggan dahil hindi ako kumain.

'Paano ba naman kase kakain ko lang nun tapos papakainin niya naman ako.'

Madalas akong niyaya nina Terry na tumambay sa kwarto nila o maglibot sa palasyo ngunit masyadong mahigpit si Fenyr sa akin. Pinagbantaan akong sasaktan niya si Terry kung sasama ako sa kanya.

'Nakakainis na yun pero sige kakayanin at titiisin ko ang ugali niya.'

"Bakit gustong-gusto mong dinadaan ka sa pananakot love? Huwag mo kasing sagarin ang pasensya ko." nakangiti na namang sabi niya.

Naiisip ko nga minsan na baka nalulong sa droga ang lalaking ito dahil sa napaka wirdo niyang personalidad.

"I saw Cerebro and Liza in the garden talking to each other. Are they dating?"

"Maybe? Liza was so clingy on him earlier."

Nakaramdam ako ng lungkot nung marinig ang pinag-usapan ng dalawang babae na dumaan sa likuran ko lang.

'Date? Ang bilis niya naman!'

Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas ngunit hindi ko inakalang ganon niya nalang ako ka bilis nakalimutan. Masakit pa rin naman sa akin na iniwan ko siya. Ilang beses siyang nagmakaawa at lumuhod sa harapan ko noon pero hindi ko siya pinansin. Pinabayaan ko lang siya na parang walang pakialam.

Ayoko kasing masaktan si Fenyr at magalit sa akin.

"What do you want to eat?"

*DUG!TUG!DUG!TUG!DUG!TUG!*

Napalunok ako ng sunod-sunod. Muli kong narinig ang nakakabaliw na boses ni Cerebro mula sa likuran ko. Pinagsisihan kong humarap ako sa likuran ko upang tignan kung sinong kasama niya. Magkasama sila ni Liza na sobrang ganda sa sout niyang kulay berdeng dress. Habang si Cerebro naman ay nakasuot ng orange na tshirt at itim na short.

A GUY FROM THE BOOK OF FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon