CHAPTER 35

203 21 0
                                    

Chapter 35: Truth

TERRY POINT OF VIEW

Nakakainis talaga tong si Pyre! Kanina lang nataranta pa yang pwet niyang kakahanap kay Cerebro. Nagulat din kami kanina noong nalaman namin na sasali siya ngayong taon. Nakita namin si Themverlaine kanina na may kasamang gwapong lalaki pero parang wirdo.

Si Breece ang nagturo sa akin kung saan si Themverlaine. Gumawa pa sila ng eksena kaya kitang-kita namin.


Tumayo ako mula sa kama at kinutungan si Themverlaine, "aray! Bakit ka naman nananakit dyan?"

"Heh! Umamin ka nga! Sino yong lalaking kasama mo kanina?" tanong ko at binigyan niya naman ako ng tingin na may pagtataka.

"Ah si Fenyr. Bakit? Type mo?" aniya.

"Anong type ka dyan? Ang wirdo kaya niya. Unang beses ko lang siyang nakita pero mukhang nakaka turn off na kaagad!" prangkang wika ko.

"Turn off ka dyan! Bakit turn on ka ba sa kanya? Haha! Huwag ka ngang ano dyan!" birong sabi niya.

"Fenyr pala ang pangalan niya? Parang narinig ko na ang pangalan na yan dati pa ah? Medyo matagal din kase bago narinig ko ulit yan. Nakakapagtaka lang dahil bigla-bigla nalang siyang sumulpot." dagdag ko.

Pamilyar talaga ang pangalan na yan.paano ba naman kase eh tanyag na tanyag ang pangalan na yan. Ngunit sa hindi malamang dahilan bigla nalang itong nawala na parang bula at walang nakakakita kung anong mukha niya dati. Nakabalot siya ng itim na kasuotan. Nakakapagtaka lang dahil nagpakita na siya ngayon.

"Paano naman siya hindi susulpot eh buwan ng pagsasanay na ngayon? Malamang nandito siya dahil kagaya nga ng sinabi niyo lahat ay kinakailangang pumarito diba?" seryosong wika niya.

Ang dating ng pananalita niya sa akin ay parang pinagtatanggol niya ang lalaki para sa akin. Tumingin ako kay Cerebro na prenteng nakaupo sa kama habang hawak-hawak ang kanyang telepono.

"Sabagay. Pero ang lakas ng loob ko na may kakaiba sa kanya eh." wala sa sariling sagot ko ulit. Naningkit ang mga mata ni Themverlaine dahil sa sinabi ko. Wala naman akong masamang sinasabi ngunit nagalit na kaagad siya.

'Ano na naman kayang ikinagalit niya?'

"Pwede ba Terry? Tigilan mo na nga yong tao. Tsaka kahit na nahihiwagaan ka sa kanya, wala ka pa ring karapatang husgahan siya ng ganon na lang. Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan niya." galit na sermon niya sa akin.

Uminit bigla ang dugo ko dahil sa isinagot na sa akin na para bang may ginawa akong masama sa lalaking yun.

"Excuse me? Bakit alam mo ba kung anong pinagdadaanan niya? Sa paraan ng pananalita mo tila ba kilalang-kilala mo na ang taong yun. Kaya ba ganyan mo siya ka protektado? Nakakatawa lang makinig sa mga salita mo ngunit ultimong sarili mo hindi ka sigurado kung kilala mo ba talaga yong taong yun." pilosopong wika ko na ikinatahimik naman niya.

Ito ang unang beses na may naging ganito kami. Hindi naman siya ganyan dati. Tsaka wala naman akong may sinabing masama.

"K-kahit na sana hindi mo pa rin siya pinagsasalitaan ng ganyan." malumanay na wika niya.

Pinaikot ko ang mata ko at nag make face pa mismo sa harapan niya, "para sa ano pa't may tinawag tayong FREEDOM OF SPEECH."

Matapos naming magtalo ay naging maayos naman ang pakikitungo namin sa isat-isa. Humingi siya ng paumanhin at ganon din ako. Wala namang rason kung bakit hindi ko kami magkikibuan. Masyadong immature at sirado ang isipan lang ang gunagawa nun.

A GUY FROM THE BOOK OF FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon