Chapter 31: It really hurts
Ilang minuto akong nakatingin sa gawi ni master kung saan ay nakaupo sa bandang unahan na nakipagtitigan kay heneral Tuxciano. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila pero basi sa nakikita ko ay may kakaibang tensyon na dumadaloy sa mga tingin nilang dalawa.
"Why can't take your eyes off him? are you still bothering about what he was said earlier?" rinig kong bulong ni Fenyr sa akin.
Hindi ko siya binalingan ng tingin dahil kitang-kita ko naman siya mula sa gilid ng aking mga mata.
"Ano naman ngayon? Bawal na bang tumingin sa kanya?" mataray kong sabi.
Sa tuwing nagsasalita talaga siya hindi ko maiwasang hindi maging mataray.
"Are you that really rude? Why can't you just answer me in a rightful manner?" pilosopong sagot niya.
Hindi ko mapigilang mapangisi sa kanya, "talagang pinapanindigan mo kung anong ugali mo sa libro ano?" pilosopong sagot ko.
"Of course! Fenyr is Fenyr. Do you have problem with that?"
"Wala. Wala naman akong problema dahil simula't sapol alam ko na talaga na bastos ka. Kaya nga naging antagonist ka diba?" ngiting wika ko.
Hindi siya sumagot sa akin, pinagpatuloy niya ang panunuod sa nagaganap sa harapan kung saan ay kukuhanan na ng posisyon ang Wasonind at Fresmire. Kahit na ganun pa man ay hindi pa rin nawawala ang respeto at takot ng mga tao sa kanila.
Tumingin ako kay Fenyr ng hindi niya nahahalata. Nakaramdam ako ng konsensya sa pagsagot ko sa kaniya kanina lang. Alam ko naman na katangian niya na ang pagiging mainitin at bastos at akala ko tanggap ko yun pero bakit hindi ko yun pinanindigan?
'No! You promised that you will.understand him no matter what happened!'
Hinawakan ko ang kamay ni Fenyr at nagulat naman siya, "why you're holding my hands?" malambing na wika niya.
Umiling ako tsaka ngumiti, "humihingi ako ng paumanhin sa inasal ko kanina. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo pero naging bastos pa ako sayo. Pangakong hindi ko na yun uulitin."
Napapikit ako nung maramdaman ang halik niya sa noo ko. Naramdaman ko rin na may nakatingin sa akin ng sobrang sama na nagpalakas ng tibok ng puso ko. Wala namang gumagawa nun sa akin maliban sa isang tao. Binalingan ko siya ng tingin ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng sakit dahil doon.
"You look frustrated. What's wrong? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Sabihin mo lang at ihahatid kita sa kwarto mo." bakas ang pag-alala niyang tanong.
Ngumiti ako at sinandal ang ulo sa balikat niya, "nothing. Ayos lang ako."
"Everyone let's give the Fresmire and Wasonind around of applause!" sinabi ni heneral Tuxciano sa mikropono.
Nagpalakpakan kaming lahat dahil doon maliban sa isang prenteng naka upo na naka krus ang paa at mga braso na animoy isang bossing o señorito.
"Napaka attitude talaga ng kumag na yan! Kahit magpalakpak lang hindi pa magawa? Jusme!" wala sa sariling sabi ko.
"Who??" ani Fenyr.
"Wala hahaha!" pekeng sagot ko sa kanya.
"Really? I thought you're pertaining to Cerebro?" pabalang na sagot niya.
Nakakapagtaka na talaga ang mood niya. Naguguluhan ako sa paiba-ibang ugaling pinapakita niya sa akin. Para bang may mental disorder siya or something na hindi ko maipapaliwanag sa hindi malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...