CHAPTER 3

546 44 1
                                    


Chapter 3: Gladiatoral girl

Mas mabilis akong nakauwi sa bahay gaya ng inaasahan. Walang lingon-lingon akong umuwi at bawat hakbang ay mas dinoble ko kaya naman mas madali akong nakauwi.

Simula pa kase kahapon noong nakita ko yong misteryosong matandang babae ay nagiging werdo na ang paligid ko. Ang mga salitang binitiwan at iniwan nila sa akin ay patuloy na naglalaro sa loob ng isipan ko. Masyadong mahiwaga ang lahat para sa akin.

'Hindi kaya ingkanto si tatang??'

"Laine! Maliligo kami sa sapa baka gusto mong sumama?"

Narinig kong sumigaw si Dudz kasama ang iilan kong mga kakilala mula sa harapan ng aming bahay.

Tutal wala naman na sina Ursula at tatay, mabilis kong kinuha ang twalya namin. Mabuti nalang nga at medyo maayos pa naman ito.

"Oh sige ba! Masaya yan! Maglalangoy tayo." masiglang sagot ko sa kanila.

"Hays bat ang ganda mo kahit mahirap lang kayo Laine? Ang ganda pa ng kurba ng katawan mo nakakainggit!"

"Anong sabon mo Laine? Bakit ang kinis ng balat mo? Medyo maputi ka rin."

Nakataas ang kilay ko ng marinig ang mga komento nila tungkol sa akin.

"Sadyang wala lang talaga makain kaya slim, tsaka kahit anong sabon lang naman ang ginagamit ko." nakangiting sagot ko sa kanina.

"Nyey! Humble talaga nito! Halika na nga!" yaya ni Dudz.

Naglakad kami papunta sa sapa. Malawak at presko kase ang tubig doon at ang mas nakakasaya ay maari kaming lumangoy, yun ay kung MARUNONG KA. mabuti nalang talaga at marunong ako. Syempre naman alam ko nga ang mga gawaing panlalaki ang lumangoy pa kaya?

"Ilang taon kana nga Laine?" tanong naman ni Jasmine na dati kong kalaro.

"How old do you think I am?" ngisi-ngisi kong tanong.

"Kidding! I'm just eighteen years old guys." pagbabawi ko.

Nakanganga naman silang tumingin sa akin na tila ba hindi maka paniwalang marunong akong mag ingles. Trying hard lang talaga ako pero nakakaintindi naman ako no!

"P-paano ka natutong mag ingles Laine?" tanong ni Kaori.

Umakbay ako sa kanya, "alam mo kase Kao, hindi naman porket mahirap lang tayo eh hindi na tayo pwedeng matutulong magsalita ng ingles. Try mo rin minsan mag basa ng mga libro."

"Nako! Mag basa? Ayoko nun! Sasakit lang ang utak ko kakaintindi sa mga sinasabi nila Laine. Tsaka mas masayang makipag text sa jowa no." diretsong sagot naman niya.

Sumimangot ako  habang kinuha pabalik ang kamay ko mula sa pag akbay sa kanya, "ayan kase. Kaya hindi natututo ang tao dahil sa tamad o walang determinasyon. Nasa sayo na yan kung tatanda kang hindi makaintindi ng ingles Kao."

"H-haha! Para sa ano pa? Sus eh wala naman akong nakakausap na kano para mag salita ng ingles eh! Dapat natin mahalin ang sarili nating wika." natatawang sagot nito.

"Wala naman akong sinasabing hindi. Ang akin lang eh at least matuto tayo sa salitang mga pang banyaga. Alam mo yun? Para hindi naman tayo mag mukhang mangmang at ignorante." kalmadong sabi ko.

Narinig ko ang tawanan ng iba pa naming mga kasamahan dito.

"Wala akong pakialam sa wikang ingles. Bahala sila dyan..kontento na ako kung anong gusto ko." paglalaban nito.

A GUY FROM THE BOOK OF FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon