Chapter 16: Boyfriend
One month later
Isang buwan na ang lumipas mula noong nandito ako sa mundo ng mga taong kakaiba. Hindi ko alam kung parte pa ba ito ng earth o nasa ibang planeta na kami pero sabi naman sa science ang earth lang ang habitable planet eh.
"Fenyr? Kamusta kana kaya? Huhu pasensya na kung hindi na kita nasubaybayan." malungkot na wika ko.
Madalas akong tumatambay sa tambayan sa likuran ng mansion at nasa mga puno ako ng prutasan dahil inutusan na naman ako ni master na pumitas.
"Gusto daw ng fresh fruits! Tsk! May mga prutas naman sa loob ng refrigerator niya, bakit kailangan tong fresh talaga? Anong gagawin niya doon? Itatapon?! Haysss! Iba talaga kapag nakukuha mo kung anong gusto mo!"
Padabog na inabot ko ang mga dalandan at pinasok sa loob ng basket.
"Gusto daw ng fresh dalandan juice tsk!"
Mukha akong tangang babae rito na nag pipitas ng mga prutas. Nakasimangot kong inabot ang mga ito. Hindi ko kase mapigilang hindi mainis kay master eh. Napaka demanding talaga! Alas otso palang ng umaga at hindi pa kami nag aagahan.
Nang medyo marami na ang mga nakuha kong dalandan, lumipat naman ako sa puno ng mga apple at pumitas.
"Sabi nila good fot weight loss daw tong apple ah? Ma try nga mamaya!" usal ko na naman.
Medyo lumalaki na kase ang tiyan ko kaka-kain sa masasarap na pagkain dito sa mansion. Minsan nga kahit hindi ko na kayang kainin, napipilitan nalang akong ubusin dahil itatapon lang naman nila.
Sa amin nga kapag hindi mauubos, ititira pa ito para sa susunod na kainan eh samantalang dito itatapon lang! May pusa nga pero sosyal pa sa pinaka sosyal!
"Tapos tong isang pirasong mansanas, hindi ko pa to nakakain ng buo ah?! Letcheng buhay! Kailangan pang hatiin para kakasya sa aming tatlo tapos dito itatapon lang?! Palibsaha kase may puno sila!"
'Pigilan mo ako ah?! Galit na talaga ako!'
Pumitas ako ng isang mansanas at tsaka kinagat. Nanggigigil na talaga ako sa sobrang ganda niya. Merong ibat-ibang kulay pero ang kinagat ko ay kulay berde. Hindi ko na hinugasan dahil umulan na naman kagabi, ang nakakainis pa dun ay kumidlat na naman at kumulog ng malakas. Wala akong choice kung hindi ang matulog mag-isa sa kwarto.
"Bweset na Cerebro yun! Ilang beses akong kumatok sa pintuan niya! Halos sirain ko na nga eh pero hindi talaga ako pinagbuksan ng hayop! Arrrrrgggghhhh!!!"
Tinapon ko ang mansanas sa ere sa sobrang pagkainis ko. Nakita ko ang pulang mansanas at bigla kong naalala ang letchong baboy na may buong mansanas pa ang bibig.
"Sosyal na baboy ah?! Sana all! Samantalang ako hindi pa talaga!!!! Tsk! Isipin mo nga kase ang mahal mahal ng mansanas! Kung sa palengke ka bibili nasa kinse pesos pero kapag sa mall jusmeyuhhh! Mahigit kuwarenta!"
"Binili mo ng mura, binenta mo ng mahal. Okay sana kung hindi over pricing eh! Kinarir talaga ang pagka negosyante hmp!" dagdag ko pa.
Hindi ko namalayang puno na pala ang basket kaya naman tumalikod na ako at sakto namang nakita ko si master na nakasandal sa puno ng mansanas suot ang puting loose shirt at itim na pajama.
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...