Chapter 5: New world
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga pisnge. Nakakainis talaga tong si Ursula. Walang ibang ginagawa kung hindi ang manira ng araw palagi. Medyo tinanghali na akong nagising ngayong araw. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita.
"Where on earth am I?!"
Bumungad sa akin ang mga taong nagtitinda sa gilid ng mga kanto, habang ang iba naman ay nakasakay sa kani-kanilang karuwahe. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ibang mga nilalang na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. May mga taong parang katulad ni Pinocchio ang mga ilong sa sobrang haba at mas lalong hindi ako makapaniwala sa ibang mga tao. Mahahaba ang mga buhok, kuko at iba. Tila hindi sila mga normal na nilalang.
"Magandang umaga binibini! Bakit dito ka natulog? Mabuti nalang at hindi ka naabutan ng mga Fresmire union." usal ng lalaking may mabahang balbas at may suot na sumbrerong parang pang duwende.
'Anong fresmire? What was that?'
"H-ha samahan ng mga fresmire??" takang tanong ko sa kanya.
"Mag-ingat ka sa pag gala dito binibini dahil may dalawang grupong nag babantay sa bawat sulok ng lugar na ito. Iwasan mong tumingin sa mga mata ng mga taong may suot na pula sila ang mga Fresmire at kukay berdeng kapa ay ang mga Wasonind clan dahil mapapanganib sila. Bukod doon ay mas lalong mag ingat ka dahil ang lalaking nakasuot ng itim na kapa ay mas mapanganib at mabangis. Madalas nag ku-kubli ang isang to." makahulugan na sabi niya sa akin.
"Lahat naman po ng buhay ay mapapanganib eh." hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko sa kanya.
'Totoo naman diba? Ano to may mga kapangyarihan? Eh nasa panaginip lang naman ako!'
"Binabalaan na kita iha, kapag napansin mong malakas ang hangin at nanginginig ang buong katawan mo, ibig sabihin nun ay malapit siya sayo. Kung maari ay mag tago kana at huwag na huwag kang tumitig sa mata."
Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng isang to. Mga heroes ba sila kaya nagsusuot ng kapa? Masyadong hindi kapani-paniwala naman tong mga pinagsasabi niya. Walang may kapangyarihan sa mundong ito no!
"Mapanganib po ba sila? Tsk! Huwag po kayong mag-alala dahil mas lalong mapanganib ako. Kita po uli tayo bukas sa panaginip ko." seryosong sagot ko sa kanya.
"Dahan-dahan ka sa pananalita binibini. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maari kang maka pag biro dito dahil wala ka sa mundo ninyo."
"Alangan! Nasa panagi--- WHAT THE FUCK?!"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung bigla siyang nag anyong uwak at lumipad na sa ere ng walang paalam. Halos hindi mag sink in sa utak ko ang nakita ko kaya mas pinili ko nalang na bumalik sa loob ng malaking basurahan upang matulog ulit. Walang kwenta tong panaginip na to! Masyadong panira!
"Hola buenos dias! Eres encantadora ."
Means: Hello! Good morning. You're so adorable.
Punyetang buhay talaga! Hindi pa nga ako nakakatulog ng mahimbing, may narinig naman akong letcheng boses.
"Tita Ursula naman! Natutulog pa nga ako eh!" Pamamaktol ko. Hindi ko siya pinansin at pinag-patuloy pa rin ang naudlot kong panaginip.
"¿que?" aniya ulit.
Means: what
"Putanginang bunga--- w-who are you?" utal na tanong ko nang pag bukas ko ng mga mata ay nakita ko ang pusang itim.
BINABASA MO ANG
A GUY FROM THE BOOK OF FICTION
FantasyThemverlaine Roscon a girl who almost died reading her favorite book over and over again. Until one day, she met the mysterious old lady, she asked Themverlaine if there's one thing she want to come true, what would it be and why? Themverlaine told...