[6]

386 14 1
                                    

Kevin's POV

"Ano? Bibisitahin ba natin sila sa Artic Sky Academy?" tanong ko sa mga taong 'to. Magkasama kami nina Frial, Ayeen Jee, Whisley, Brook, Justin, Vall, Nall at Hyugnam dito sa mini forest.

You heard it right, nag-transfer si Hugi dito sa West University para makasama ang pinakamamahal niyang kuya. Matagal na rin silang hindi nagsama kaya mabuti na din 'to.

Nagulat ako ng bigla akong sinapak ni Ayeen Jee. "Bakit nananakal ka na lang, ha?" napairap naman siya sa akin. "Commom sense, Kevin! Sige nga, bisitahin mo sila habang class hours." natawa naman 'tong si Whisley at nakitawa naman sa kanya si Brook.

Ganyan 'eh. Like leader, like assistant.

"Baka nakakalimutan niyo, kaya kong kontrolin ang kahit sinong personel sa school na 'to. We can escape whenever we want!"

"Ganyan talaga si boss 'eh! Idol!"

At nag-high five 'yung dalawang mag-amo. Nakita ko naman na sumimangot si Hugi. "Hyung, class hours ngayon! 4:30 PM pa lang, 5:00 PM 'yung uwian, remember?" natawa 'tong si Whisley at inakbayan ang kapatid niya. "Sorry naman."

Infairness, nagtagalog si Hugi. Konting practice pa boy.

Huminto kaming lahat kakalalad ng biglang napahinto si Justin sa paglalakad ng may nag-text sa kanya. Ngumiti naman 'to matapos mabasa ang message. "Si Jefferson," sambit 'neto.

"Anyare sa tarantadong 'yun? Nasa bingit na naman ba siya ng kamatayan?" umiling lang si Justin sa tanong ni Vall. "So, what happened? Iniinis ka ba niya? Puro 'haha' ba yung message niya?" napabuntong hininga lang si Justin sa sunod-sunod na tanong ni Frial.

Sige lang 'tol, kaya mo 'yan.

"Nagiging sweet lang siya ngayon."

"ANO?"

Sabay-sabay naming sigaw sa kanya na ikinagulat niya. Nakatingin lahat ng kapwa naming estudyante na nasa paligid namin.

"Sige, keep on staring us then you'll see." sambit ni Nall. Malamig ngunit enough na marinig ng lahat na nasa lugar kaya lahat sila nag-iwas ng tingin sa amin.

Iba talaga kapag mga alpha ang mga miyembro ng barkada mo.

Ibinalik namin ang aming atensiyon kay Justin. "So confirmed na... bakla si boss Han?" since mag-bestfriend nga kami ni Justin and we share the same braincells, tumawa kami ng malakas sa tanong ni Brook. Sinapak ni Ayeen Jee 'tong si Brook. "Makapagsabi ka ng bakla sa kanya. Hindi ba pwedeng ganun lang siya? Ang judgemental niyo jusko!"

"Eh ano naman ang ti-next sayo ni Jefferson?"

"Sabi niya alagaan daw natin ang sarili natin at 'wag daw tayo magpapalipas ng gutom. Sana magiging masaya daw tayo at 'wag nating kalimutan na mahal niya daw tayo as a friend." nagulat kaming lahat sa sinagot ni Justin sa tanong ko.

Anong nangyari sa kaisa-isang Jefferson Han? Bakit bigla siya nagiging sweet? Akala ko puro pang-aasar lang ang alam niyang gawin.

Hinablot ni Frial ang cellphone ni Justin at binasa. Nakibasa na kanya si Ayeen Jee. Mukhang nagulat rin 'to sa nabasa niya and same as Ayeen Jee. "Nauntog ba niya ang ulo niya o ano?" rinig kong bulong ni Frial. Napakamot ng batok 'tong si Vall.

"Ano ba kasi 'yan?"

"Nagpapacute ang higanteng 'yun. Tsk."

Inirapan ni Ayeen Jee si Vall at narinig ko na may binulong si Ayeen Jee since nasa tabi ko lang siya. "Pasalamat ka Jefferson Han, crush kita. Hmph."

Woah. As if may chance ka sa giant bunny na 'yun.

To be honest, sa tingin ko kasi homosexual 'tong si Jefferson. Pero sa tingin ko rin hindi kasi never ko siyang nakitang pagpantasyahan ang mga gwapong lalaki. Siya pa nga siguro ang pinagpapantasyahan ng mga 'yun. But, never ko rin siyang nakitang mag-flirt back sa mga magaganda't sexy na mga babae na nagkakandarapa at kumikindat sa tuwing dadaan siya. So pwede rin na asexual siya.

Yes, this Jefferson Han, the SSG Vice President of Artic Sky Academy is not just well-known because of his posistion. He's one of the biggest hearttrob of their school and our city. In fact, hindi niya alam na may mga fangirls at fanboys siya, believe it or not since masyado siyang busy para diyan.

He is the busiest SSG Vice President sa lahat ng school sa buong syudad. At hindi rin nanggugulo kay Jefferson ang mga fans niya kasi parati siyang nakasunod kay Miss Pres which is si Keshia Imo na kinatatakutan ng lahat.

According nga sa mga fangirls at fanboys ni Jefferson sa kanilang school, if the Lady President of Artic Sky Academy is around, it's either safety or death.

That's why they made a deciscion na ibibigay na lang nila ang mga regalo nila para kay Jefferson kapag mag-isa siyang naglalakad o 'di kaya kapag wala na ang kanilang SSG President sa tabi ni Jefferson. Kasi kapag gagawin nila 'yun habang nandiyan pa si Miss President, siguradong magkakaroon sila ng warning kapag uminit ang ulo 'neto sa pang-gugulo.

Hindi lang siya hearttrob sa loob ng ASA. Also in other schools. Usually, sa mga schools na napuntahan na niya dahil sa mga contests. Kahit dito sa West University, maraming nagkakagusto sa kanya mapa-lalaki man o babae. I heard pati sa Arts School of the Philippines at sa Scholastic Majesty Academy.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalaking gwapo na, cute pa at tsaka sobrang tangkad at may abs pa. Nasa Alpha 100 list rin siya ng ASA, rank #40 sa Alpha list at Vice President pa siya ng isa sa pinakamalaki at pinakamakapangyarihang academy sa buong Pilipinas. Pinasabog pa 'neto ang buong battlefield 'nung war.

Yes, hindi siya makapatay by his own hands pero marunong siyang magpasabog at sumira ng kahit gaano kalaking bagay. Dulot 'yan ng sobrang katalinuhan niya.

'San ka pa, kay Jefferson Han ka na!

Mukhang narinig ni Frial ang binulong ni Ayeen Jee at napanganga siya. Nakanganga pa si Frial ng biglang hinablot ni Hugi ang cellphone ni Justin at nakibasa kaming lahat sa cellphone.

____...↭...____

tarantadong giant🐰

tarantadong giant🐰
uy justin!1!1!

tarantadong giant🐰
mag-ingat kayo palagi at alagaan niyo ang mga sarili niyo at tsaka wag kayong magpapalipas ng gutom

taranradong giant🐰
i LUv chUuu aLL aS a pwEnD~ muAHh

You
luhh??
anyare sayo?

You
sabihin mo lang kung mang-aasar ka na naman kasi ready akong basahin lahat ng katarantaduhan at kalokohan mo

tarantadong giant🐰
HUHUNES basta :>

You
sabi ko na nga ba eh
pinagtitripan mo naman kami

You
ikaw talaga!1!1!1

tarantadong giant🐰
hindi ako nagbibiro promise
pakisabi na lang sa kanila ha?
aishteruuuu~

You
fInE

____...↭...____

"May nakain 'yata siyang kung ano 'eh!" napa-thumbs up ako sa sinabi ni Whisley. "Tsaka first time na walang halong "Wag niyo agad akong ma-miss 'ah?' sa text niya." napatingin kaming lahat kay Hugi.

Oo nga 'noh?

Ang weird kasi 'eh! Ngayon lang nagiging sweet si Jefferson sa'ming lahat. I mean, yes, he's always saying 'I love you' sa aming lahat pero may halong tono ng pang-aasar 'yan.

Hindi ko naman maitatanggi na may kutob akong may mangyayaring masama sa kanya. Ang weird kasi eh, parang nagpapa-alam na siya sa amin.

Ano ba 'tong iniisip ko?

Hindi, safe si Jefferson. Mahal siya ng mga schoolmates niya 'dun sa Artic Sky Academy. Walang kahit sino ang mananakit sa lanya.

Hindi naman kami siguro nagkulang na iparamdam na mahal namin siya kahit na puro kagaguhan ang alam niyang gawin.

Sana nga mali lang 'tong mararamdaman ko.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon