[31]

161 7 0
                                    

Jefferson's POV

Jefferson's POV

4 months ago...

"Miss Pres, aalis muna ako ha? 'wag mo agad akong ma-miss 'ha?'' narinig ko ang pagtawa nina Justin at Kevin. Nakita kong umirap si Miss Pres sa akin. "Get lost!" hindi na ako tumagal pa at agad akong tumakbo paalis ng dorm.

Gusto ko munang umalis at mapag-isa. This is my first ever heartbreak. Wala ng ibang tao akong minahal maliban kay Miss Pres. Minahal ko ang childhood bestfriend ko romantically.

Bakit pa ba ako umasa?

Napakasakit. Sobrang napakasakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang umiyak dahil sa sakit at kahit kailan, hindi na muli ako iiyak pa.

Gusto 'kong ilabas ang nararamdaman kong sakit at pagkalungkot. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko kayang umiyak. Natatakot akong umiyak muli. Pinipilit kong magpakatatag para lang hindi ako iiyak.

Kapag iiyak ako, maaalala ko ang unang beses na tumulo ang luha ko. Ang isa sa pinakamadilim na sandali ng aking buhay—

Kuya Jason...

Tumigil ako kakatakbo pagkarating ko sa rooftop. Napakalamig dito. Walang tao at siguro, hindi ito pinapasukan ng mga estudyante. Kitang-kita ang mga bituin at ang view ng buong siyudad mula rito. Maraming tubo at iba 'pang construction materials and equipments ang nandito. May nag-iisang pader dito na mukhang ginagawa pa lang. Napakarami ng alikabok dito.

Inikot ko ang mga mata ko para makahanap ng magandang pwesto hanggang sa nakahanap ako. Umupo ako sa sahig at sinandal ang likod ko sa pader. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin.

Naaalala ko si Miss Pres kapag may nakikita akong mga bituin sa kadiliman ng gabi. Naaalala ko ang mga mata niyang nagniningning tuwing sinasamaan ako ng tingin habang ang puso ko'y tumitibok ng mabilis.

"Bakit hindi na lang ako?" tanong ko sa sarili ko. Sobrang sakit— sobrang tagal na siyang nasa tabi ko pero hindi man lang ako gumawa ng paraan para mapasakin siya dahil umasa akong hindi siya makakahanap ng iba.

Hindi naman niya kasalanan na minahal niya si Axel. Hindi niya rin kasalanang nasasaktan ako ngayon dahil ako ang may kasalanan 'nun. Kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Ang tanga-tanga ko talaga.

Gusto kong isigaw lahat, gusto kong may kakausapin akong tao pero ang tanong, sino? Walang gustong kumausap sa akin. Iisipin nilang masyado na akong OA.

Kung pwede lang talaga akong tumalon dito para mamatay.

Huminga ako ng malalim para paluwagin ang nararamdaman ko pero hindi 'yun sapat para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. "Bakit ganito ang naging buhay ko? Ano ang ginawa ko para maranasan 'to? Naging kriminal ba ako sa nakaraan kong buhay?" tanong ko sa sarili ko.

Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Parati na lang. Hindi na bago sakin ang masaktan pero iba 'to 'eh!

Ang babaeng naging isa sa mga rason kung bakit ko pinipilit ang sarili ko na 'wag sumuko at mabuhay  sa napakalupit na mundong 'to— may nagmamay-ari na sa kanya.

Masaya na siya at hindi na niya ako papansinin pa. Napaka-pabigat ko sa kanya at ngayon may isang lalaking magpapagaan na ng loob niya tuwing iiyak siya maliban sa akin.

Atleast masaya na siya.

Kakalimutan na niya ako. Kakalimutan na niya lahat ng 'mayron kami. Kakalimutan na niya ang lahat ng mga alalang ginawa namin mula pagkabata.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon