[15]

203 11 0
                                    

Steven's POV

Ng makarating kami sa hospital, dali-dali kaming bumaba ng van at tumakbo papasok sa hospital. Nakasunod kaming lahat kay Nall at Vall na nangunguna sa amin. Hindi naman maiwasang mapatingin ang mga tao sa amin.

It's like we're having a running marathon inside the hospital. At wala na kaming pake sa kung ano man ang iisipin ng ibang tao. We're here for Jefferson, not for these people's judgemental attention.

"Mga ulol, dito!" napatingin kaming lahat sa direksiyon kung saan namin narinig ang boses ni Whisley na lumabas sa isang hospital room.

Sandali, bakit siya nasa hospital room?

Dali-dali kaming lahat lumapit sa kanya. Pinaulanan naman nilang lahat ng tanong si Whisley.

"Ano na ang nangyari?"

"Nasaan si Jefferson?"

"Ano ginagawa mo sa hospital room na 'yun?"

"Akala ba namin magkasama kayo ni tanda?"

"May nangyari 'bang masama kay Jefferson o sa tatay niya?"

"Wala namang may nangyaring masama sa tarantadong 'yun, 'diba?"

"Ano ba kasi ang nangyari?"

"Bakit nasa emergency room si Jefferson?"

"PWEDE BA MAGSITAHIMIK MUNA KAYO!" nakuha ni Whisley ang atensiyon ng lahat sa paligid matapos siyang mapasigaw. Habang kami, pinipigilan namin ang aming tawa.

Sucks to be you, Yeollim Cho or I must say Whisley Veil.

Minasahe 'neto ang ulo niya. "Okay, malalaman niyo ang lahat. Masasagot lahat ng katanungan niyo, okay? Calm down for a while girls, guys and gays. Wala akong laban sa bunganga ninyong lahat."

Binuksan niya ang pintuan ng hospital room kung saan siya lumabas kanina. "Pumasok kayo." pumasok kaming lahat sa hospital room. Sinalubong kaming lahat nina Chynna, Vencer, Asiyana, Hugi, Kreo at siyempre, ni Joseph Han. My heart drops sa kung ano ang nakita naming lahat.

He's suffering too much right now.

Naka-dextrose si Jefferson. Tanging oxygen lang ang sumusoprta ng paghinga niya. Naka-bandage ang buong kanang braso 'neto at namumutla siya.

What just happened? Bakit ganito ngayon ang kalagayan niya?

Tahimik lang kaming lahat ngayon. Walang sinuman sa amin ang naglakas-loob na magtanong. Iniwas ko ang tingin ko kay Jefferson. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Nahihirapan siya ngayon. Kung pwede lang sana na ako na lang ang nasa posisyon niya. "A-ano ang nangyari sa kanya?" all of them stared on me.

I heard Vencer sighed deeply. "Since hindi ako kagaya 'niyong lahat na pa-suspense, dederetsuhin ko na kayo." hinintay naming lahat ang mulung pagbuka ng bibig ni Vencer.

"He attempted suicide."

My whole world just stopped sa kung ano ang narinig naming lahat. Muling tumahimik ang buong paligid sa sinabi ni Vencer. Bakas ang lungkot, pagkagulat at sakit sa mga mukha namin.

It fucking hurts.

Of course, sino ba ang hindi magugulat na ang isang masayahin, palatawa, palabiro at mapang-asar na taong 'to ay magpapakamatay. Kahit kailan, hindi sumagi sa isipan ko na magagawa niya 'to. Because it's like he don't have any reasons to commit suicide.

Napakasakit na muntik ng mawala ang isang taong pinakamamahal ko ng hindi ko man lang ipinaramdam sa kanya na mahal ko siya. Muntik na mawala ang taong nagbibigay saya sa akin.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon