[17]

198 10 0
                                    

Steven's POV

Nasa convinient store ako ngayon na 'di kalayuan sa hospital para bumili ng pagkain ng mag-isa. Saktong dumating kanina 'sina Axel at Keshia sa hospita ng umalis ako. Hindi ko namalayan na 8:45 PM na pala. Siyempre puro chips, chocolate, iced coffee at soda ang mga binili ko. Plano kong manlibre sa mga kutong-lupa na 'yun ngayon since I'm happy that I got his dad's permission, approval and trust.

Siyempre, binilhan ko si Jefferson ng gatas, bisquits, salted peanuts and of course, his favorite strawberry donuts Baka sakaling magising siya.

Hindi ko alam kung paano sisimulan na dumiskarte. Parati ko siyang inaaway at nilalait, parati ko siyang sinisigawan at kahit kailan, hindi kami nagkausap ng pormal.

Pero kahit na anong mangyari, I'll going to make him mine.

Naglalakad na ako pabalik ng hospital habang nakikinig ng music via bluetooth headset ko. We all agreed na kailangan naming gumamit ng bluetooth headset in case sasagot kami ng tawag in public.

Sakto namang vumibrate ang cellphone ko. And I saw David's caller ID. Agad ko itong sinagot.

"What?"

"Woah bro, easy lang!"

"Let me rephrase that. Listen you little motherfucker, what do you want?" narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. This David Kim can't sense sarcasm.

"Why so sassy? Akala ko ba si Jefferson ang bottom-"

"S-shut up!" I stormed out loud. Namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Napansin kong nakatingin ang mga taong nasa paligid sa'kin.

Siguro akala nila, kinakausap ko ang sarili ko.

I let out a deep sigh ng marinig ang pagtawa niya. "Just spill!"

"Kahit kailan talaga, nagbabaga 'yang ulo mo."

"Tumawag ako para sabihin sayong dalian mong bumalik sa hospital. I'm sure magiging masaya ka-"

"Just tell me! Pa-suspense ka pa, tch." Natawa siya ng malakas sa sinabi ko.

Am I that desperate?

"Ganito naman tayong lahat 'eh. Mahilig magpa-suspense. Pero by the way, anytime ngayong gabi, baka magigising na ang boyfriend mo-"

"What?" halata ang gulat sa tono ko. Hindi ko naman mapigilang makilig deep inside sa salitang 'boyfriend'.

"Kumunot ang noo niya a minute and a half ago and sabi ng doctor, baka magigising na siya ngayong gabi o 'di kaya, bukas."

Hindi ko mapigilang matuwa sa narinig ko. I smiled widely. "Papunta na ako 'diyan. Malapit na ako." and I turned off my phone at kumaripas ng takbo dala-dala ang mga pinamili ko.

Hindi ko na pinansin ang mga taong nakatingin sa'kin. Ang importante ngayon, si Jefferson. Gusto kong isa ako sa mga taong makikita niya pagkagising niya.

Ng makarating ako sa loob ng hospital, dali-dali akong pumunta sa hospital room ni Jefferson. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob na ikinagulat ng lahat. Napansin kong kinuha na ang oxygen support ni Jefferson. Tanging naka-dextrose na lang siya ngayon.

Nasa sofa ng hospital room ang mga kutong lupa. Nakaupo sa sofa sina Ayeen Jee, Blythen, Frial at Myla at nakipagsiksikan sina Matthew at Nathaniel sa kanila. Nakaupo sa mga armrest ng upuan sina Justin, James at Benedict. Nasa sahig naman nakaupo sina Luke, Axel, David, Vall, Kevin at Hugi. Mas pinili na lang nina Vencer, Asiyana, Chynna, Nall at Whisley tumayo at sumandal sa pader. Nakaupo si Kreo sa tabi Joseph Han, or I must say ni papa. Nakaupo naman si Keshia sa hita ni Axel. Yuck!

Umupo muna ako sa pinakamalapit na upuan at hinahabol ang hininga ko. Inilapag ko naman sa sahig ang mga pinamili ko.

I noticed all of them sending me smirks. Sinamaan ko sila ng tingin. "What?" "Mukhang nag-marathon ka 'ah." deretsong sabi ni Nall na ikinatawa ng lahat.

So what?

Nilapitan ako ni Asiyana na may dala-dalang tubig. Ibinigay niya 'yun sakin na agad ko namang ininom. "Talagang tumakbo ka talaga para lang makitang gumising ang boyfriend mo." I send her a death glare ng marinig ang pagtawa ng lahat.

I can't believe pati siya, nakikisali rin sa pang-aasar sakin.

"What's the big deal?" "As always, you sounds so gay." I glared to this bitchy Lady President of Artic Sky Academy. Keshia Imo. "Go to Axel and let him fucking deal with you." inirapan niya lang ako. "Hindi niya tinangging 'boyfriend' niya si Jefferson. Yiee, gay things!" sinamaan ko ng tingin si Blythen. Psh.

"Ang sa amin lang kasi, patay tanggi ka 'pang hindi mo gusto si Jefferson. Pero tingnan mo kung sino ang madaling tumakbo dito sa hospital matapos siyang tawagan ni David. At tsaka..." napatingin si Benedict sa mga pinamili ko. "Mukhang may dala 'kang pagkain para sa 'min 'ah!" I rolled my eyes in annoyance.

Hanggang kailan pa ba nila ako titigilan? Nakakainis na kasi!

Kinuha ko na ang dalawang plastic sa mga pinamili ko. Ang isa, naglalaman ng pagkain ni Jefferson at 'yung isa is for myself. "Get whatever you want there. I don't care." nagsitinginan silang lahat sa isa't-isa na may halong gulat sa kanilang mga mukha. Nginisihan nila akong lahat. "First time!" sabay-sabay nilang sabi. I gave them all a disgusted look. Napansin kong natatawa naman sa reaksiyon ko si papa.

Hindi ba pwedeng bumait lang muna ako ngayon?

Lumapit sa akin si Luke at umupo sa tabi ko. "Ano nakain mo at nanlibre ka? Nakakita ka ba ng alien kaya ka nanlibre? Kung ganun, nasaan na sila-" tumigil ito kakadada ng sinapak ko siya ng malakas at natumba. Dahan-dahan siyang bumalik sa mga kapatid niya. Natawa naman ang lahat except 'kina Nall, Axel at James na nginisihan lang ako at siyempre, sina Keshia, Vencer at Asiyana na may resting bitch face.

Magkapatid nga sila. Sa tingin ko talaga, ampon 'tong si Kreo.

Ng mapagod na silang lahat kakatawa, tiningnan lang nila ako. I rolled my eyes. "What are you waiting for? Get this and motherfucking eat bago pa magbago ang isip ko. Nahiya pa kayo, psh."

Nagsitakbuhan sina Matthew, Justin, Kevin, Blythen at Frial sa direksiyon ko at kinuha ang mga pinamili ko at ipinamigay sa kanilang lahat. Wala man lang 'thank you'. Psh, as expected sa kanilang lahat.

Siyempre, kinain nilang lahat ang pinamili ko. Mukhang hindi sila kumain ng sampung araw, aish. Sobrang saya nga nila. Masaya na ako deep inside na makita silang masayang kumakain ng pinamili ko.

Kahit na sobrang gulo at sobrang nakakainis ng mga kutong-lupa na 'to, I admit na muling nagkabuhay ang boring kong buhay dahil sa kanila. Kung dati, ligo, kain, school, liquor, bahay, kausapin si Miah at tulog ang cycle ng buhay ko.

Pero ng nagsama-sama kaming lahat, I experienced alot of things na kailanman, never kong nagawa o na-try. I experienced to have friends too. Sino pa ba ang tinutukoy ko? Of course, them. Because of that war, naging magkaibigan ang dating magkalaban.

We've all accidentally became friends in three reasons; Truth, peace and protection. Truth means mabubuhay kaming lahat na may katotohanan. Peace means we don't want to repeat and turn back to past. And protection, of course we should protect one another. Kung masasaktan o 'di kaya mawala ang isa sa amin, involve kaming lahat sa nangyari.

Isa lang ang sikreto't katotohanang bumubuhay sa aming lahat. Kaya kapag nasa panganib ang isa, manganganib kaming lahat.

At siyempre, unti-unting nagdedevelop ang pagmamahal sa aming lahat. Hindi man halata sa mga actions namin but we all love each other. All of them already said 'I love you' to our little friend group. Mostly, sina Keshia, Blythen, Frial, Ayeen Jee, Matthew, Nathaniel, Hugi at Jefferson ang nagsasabi 'nun sa aming lahat.

How about me? Never.

I'm not used to show affections sa mga taong nakapaligid sa akin. They might change the way they treat me. Gusto ko 'yung ganito lang. 'Yung sinusungitan ko silang lahat at pinag-iinitan ng ulo.

Paano naman kay Jefferson? Siyempre kaya kong mag 'I love you' sa kanya. 'Yun kung tulog siya o ano. I'm still not ready to admit my feelings and to make a move. Noon 'yun pero ngayon na nakuha ko ang loob ni papa, well, let's begin then.

He'll be mine. Jefferson Han, you'll be mine.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon