[57]

90 8 0
                                    

Steven's POV

Hindi ako mapakali ngayon. The doctors are trying to save my baby ngayon sa emergency room. Sobrang nag-aalala ako ngayon.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Sino ba namang matinong boyfriend ang hindi iiyak kapag ganito ang sinapit ng pinakamamahal mo? Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito at sa iisipin nila.

Paano kung hindi niya kinaya? Paano kung may komplikasyong nangyari?

No, no Steven— 'wag kang mag-isip ng ganyan. My baby's strong and brave enough. Matapang siya and I know he can pass through it.

Humanda lang talaga 'yang sina Jason at Jenny kapag ako na ang mismong pumunta sa prisinto. I'll gonna slap their heads 360 degrees.

Hindi ko na 'to palalagpasin pa. They already had done too much at hindi na ako papayag na hindi sila dapat saktan. Wala na akong natitirang pasensya sa kanila.

Pero paano ang mararamdaman ni Jefferson?

Naramdaman ko ang kamay ni Elly sa likod ko. "Steven, tama na. Tahan na. Makakaya ni Vice Pres ang lahat 'wag 'kang mag-alala." ngumiti siya sa akin. Tama si Elly, makakaya ni Jefferson ang lahat ng sakit. He's strong enough.

"Steven! Elly!" napalingon ako sa tumawag sa akin and I saw Axel and Nall na papalapit sa akin. "Kamusta na si Jefferson? Ano na ang lagay niya?" hindi ko na lang pinansin ang tanong ni Nall sa amin.

Ang mas importante sa akin ngayon ay kung ano na kaya ang nangyayari sa baby ko.

___…↭…___

Nall's POV

Kung titingnan ang mukha ngayon ni Steven, mukha siyang ewan. Ang sarap sana pagtawanan pero hindi ito ang panahon para matawa ako sa mukha niya.

At isa pa, kaibigan ko si Jefferson kaya parang ansama ko namang kaibigan kapag tatawa ako sa gitna ng sitwasyon niya ngayon.

Kahit ako rin naman, ganyan din ang magiging mukha ko kapag nasa bingit ng kamatayan ang girlfriend ko kaso wala ako nun kaya walang chance ma magiging ganyan ang pagmumukha ko.

Malapit na lang mag-kalahating gabi pero hanggang ngayon, hindi pa lumalabas ang doktor. Ilang oras pa ba ang kailangan?

Si Axel lumabas muna para bumili ng pagkain dahil siyempre, gutom kaming lahat. Si Elly naman, abala sa paggagamot sa mga pasa at sugat ni Steven. Tapos ako, 'heto lang. Naghihintay kay Axel. Ginamot na ako ni Elly kanina kaya chill na lang ako dito.

Sino ba naman ang hindi magugutom kung nanggaling ka sa labanan tapos may mga sugat ka 'pang natamo.

Wala na kaming paki-alam kung pinagtitinginan kami dito. Who are they to judge us? They're also people like us who live in this cruel and unfair world.

"Ayan, tapos na!" rinig ko na masayang sambit ni Elly. Not surprized tho, she's happy to help people. Hindi pa rin nagbabago ang tulalang expression ni Steven.

Naging bato na yata 'to.

Timing namang bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas ang isang doktor. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Elly ng agad na tumayo si Steven at pumunta sa doktor. Hmm... kilala ko ang doktor na 'to ah?

"Doc Amos, how's Jefferson?" nginitian siya ni Doc Amos. "He survived. Don't worry." and that words made us breath in relief.

Mabuti lang talaga dahil kung hindi, hindi na talaga ako magda-dalawang isip na patayin ang dalawang 'yun. I mean, wala ng pipigil sa amin para patayin sina Jason at Jenny kaya we can do what we always wanted to them.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon