[26]

176 11 0
                                    

Kreo's POV

"Nakakainis ang bwiset na Jason Han na 'yan. Sarap niyang bitayin- ARGH!" hindi ko mapigilang matawa sa gagong Whisley na 'to. Kanina pa siya nag-iingay at paulit-ulit na sinasabi 'yan. Hindi ko naman siya masisisi- galit ang sanitary napkin na 'to 'eh! Hindi rin tumitigil kakaiyak 'tong si Hugi.

May dinala rin kaming mga pagkain para sa kanila. Siyempre, makakalimutan ba naming bilhan ang giant bunny namin ng favorite niyang strawberry donut?

Nandito na kami ngayon sa hospital at papunta na kami sa hospital room ni Jefferson. I wonder kung gising pa siya o 'di kaya sina Steven, Ayeen Jee at Myla hanggang ngayon. Kailangan namin silang kausapin tungkol sa sinabi ng pulis na 'yun and we must not let Jefferson hear everything.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Steven kapag nalaman niyang ni-rape ang biggest fat crush niya?

Ayun nga, binuksan na ni Nall ang pintuan at pumasok na kami. At, tangina- nagulat kaming apat sa tumambad sa amin.

Si Steven at si Jefferson, naghahalikan.

Nanatili lang kaming apat na nakatayo sa nakikita namin. Hindi ko alam kung mabibigla ako o makikilig- ewan! Nakangisi lang ako habang nanonood sa mga baklang 'to.

"Sabihin niyo lang sa akin kung kailangan niyo ng condom. I'll be glad to be your supplier." napatingin kaming tatlo kay Nall na hindi inaalis ang tingin sa dalawa. Ayun, natigil ang paghahalikan nilang dalawa dahil kay Nall. Humiwalay sila sa isa't-isa at napatingin sa amin. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla.

'Yan kasi, masyado kayong busy para mapansin kami.

Namumula silang dalawa at 'tong si Steven naman hinihingal. Talagang obvious na si Steven lang ang humalik like- masyadong innocent si Jefferson. I bet hindi nga siya marunong humalik. Siguro nga 'yung kiss na alam niya ay 'yung peck lang.

Tahimik lang ang buong paligid. Mukhang naghihintayan lang kaming lahat dito kung sino ang unang magtatanong. "K-kanina pa kayo?" hindi ko mapigilang matawa ng malakas sa tinanong ni Steven. "Sabihin na lang nating halos 20 seconds na kami 'ritong nakatunganga at pinapanood kayong naghahalikan." napayuko si Jefferson sa sinagot ko sa tanong ng daddy- I mean ni Steven.

"U-uhmm..." napunta ang buong atensiyon namin ng magsalita na si Jefferson. "A-ano 'yung c-condom?" hindi namin mapigilang apat na humalakhak kakatawa. Si steven parang matatawa na 'yan pero pilit niyang pinipigilan. "Ano ba ang ingay niyo may natutulog na dito!" napalingon kami sa direksyon kung saan sumigaw si Myla.

Ay, natutulog na pala silang dalawa ni Ayeen Jee. Hindi agad namin sila napansin. Kaninong kasalanan ba?

Kaya mas minabuti naming hinaan na lang ang pagtatawa. Natigilan kami ng marinig ang pag-iyak ng kung sino. Nagulat kami ng makitang umiiyak si Jefferson. As in, tumutulo ang luha niya. Parang bata 'din siya 'pag umiyak.

First time ko siyang nakitang umiyak!

Nagkatinginan kaming apat. And it's pretty obvious sa mga mukha namin na nagulat kaming apat. Muli akong napatingin sa direksyon nina Jefferson. Nakayakap siya ngayon kay Steven.

Bakit bigla na lang siyang umiyak?

Napatingin ako kay Steven at nagkatinginan kaming dalawa. Makikita sa expression niya na may sasabihin niya mamaya sa amin tungkol sa nangyayari ngayon kay Jefferson. Bakit mas naging childish si Jefferson ngayon? Hindi naman siya ganito kanina bago siya nagka-panic attact? Ano ang nangyayari sa kanya?

Minasa-masahe ni Steven ang buhok ni Jefferson at kahit papano, tumahan ito. "Shh... we're here. I'm here." Nakatingin lang kaming apat sa kanila and of course, still shocked.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon