[34]

148 7 0
                                    

Steven's POV

Hindi ko alam kung kuneho ba talaga si Jefferson o tuko. Hindi umaalis sa pagkakayakap sa akin 'eh. Nahihirapan nga sa kanya si Doc Klea kasi hindi niya matingnan ng maayos si Jefferson. Ilang beses ko na rin siyang pinakiusapan pero hindi pa rin nakinig si Jefferson. Mabuti lang talaga mahaba ang pasensiya ni Doc Klea.

I sighed heavily. "Jefferson, baby, listen. I-che-check ka lang ni Doc—" "A-ayaw k-kong bumitaw. A-ayokong i-iwan mo a-ako t-tsaka sobrang l-lamig." sumimangot ang mukha 'neto na nakatingin sa mga kutong-lupa.

Sobrang malamig? Hindi naman masyadong malakas ang aircon. In fact, sinet ni papa 'yang aircon temperature sa 22 degrees. He said that 22 degrees is Jefferson's room temperature. Ganyan daw parati ang set ng aircon sa kwarto niya.

"Sandali muna, aayusin ko lang 'tong gamit ko." inilapag ni Doc Klea ang kanyang mga gamit sa mesa at inayos 'to. Narinig naming lahat ang pag-ubo ni Jefferson. Hinaplos-haplos ko ang buhok 'neto. Aww, my baby's coughing.

"S-Steven, s-si Jefferson—" bago pa man matapos ang sasabihin ni Ayeen Jee, biglang umiyak si Jefferson childishly. Iniharap ko siya sa akin and— the fuck! "The fuck— baby, you spit blood!" may mga bakas ng dugo ang hospital dress niya. Binalot na ng dugo ang mga labi 'neto. Pinahiran ko ang mga luha niya at minasahe ang kanyang buhok. Oh my— what's happening?

Steven, kumalma ka lang.

"Anong nangyari?" agad kaming nilapitan ni Doc Klea. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Jefferson. Tiningnan lang ako ni Jefferson ng kanyang naluluhang mga mata. It hurts to see him like this.

My poor baby, kung pwedeng ako na lang ang sasalo ng lahat ng sakit na nararamdaman niya. "S-Steven, m-masakit t-tummy ko." hinalikan ko siya sa noo at nginitian. "You'll be okay baby. Trust me. Hayaan mong pagalingin ka ni Doc, okay?" he sniffed. "H-hindi ka a-aalis, 'd-diba?" I shook my head. "Not going anywhere."

___…↭…___

Kaming dalawa na lang ngayon ni Jefferson dito sa hospital room niya. Nasa mall silang lahat ngayon maliban kay Nall. May bibilhin silang lahat 'dun. Sumama naman si Nall kay Doc Klea para hintayin ang test result ni Jefferson. Pina-laboratory talaga si Jefferson, aish.

Nilinis na namin ang dugo sa labi niya at pinamumog siya ng tubig. Hinihintay na lang namin yung pamalit niyang hospital gown.

Magkayakap kami ngayon sa isa't isa kasi nga, nilalamig siya. It's a very big logic for me kung bakit siya nilalamig. Dapat nga mainitan siya kasi mainit ang buong katawan niya but, no. Kabaliktaran ang nangyayari.

Minamasahe ko ang kanyang
buhok para kahit papano, gumaan ang pakiramdam niya. "S-Steven." "What is it, baby?" may itinuro siya sa akin. Napalunok ako ng makita ang itinuro niya sa akin. Why the fuck is he pointing his crotch? "S-Steven, n-naiihi ako." and he pouted.

I gave him a nod at tinulungan siyang makatayo. Binuksan ko ang pintuan ng CR at pinapasok siya. Sumimangot siya sa akin. "S-samahan m-mo ako S-Steven. N-natatakot ako d-dito..." then I remembered.

Papa saw him laying down on his CR's floor and it means he committed suicide there. I'm sure na-traumatized na siya sa mga CR dahil 'dun.

I don't have any choice but to enter the CR with him. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya sa noo. Ayokong matakot siya at lumala ang kalagayan niya. It hurts na makita siyang nasasaktan at nasa ganitong sitwasiyon. I love him so much and I want him to be healed.

Tumalikod ako sa kanya ng humarap siya sa inidoro pero hindi namin binitawan ang kamay ng isa't-isa. Hindi naman ako gaya ng iba diyan na gumagawa ng milagro sa loob ng CR.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon