[23]

188 9 0
                                    

Ayeen Jee's POV

Kawawa naman si Jefferson, nagka-panic attact siya kanina. Mahimbing siyang natutulog ngayon at halos 5 oras na rin bago siya nahimatay kanina. Hanggang ngayon, hindi pa siya gumigising. Kinuha na rin ni Doc Klea ang kanyang dextrose since makakakain na naman siya.

Oo, crush ko si Jefferson dahil sa sobrang nakakapanggigil niyang cuteness. But I have feelings to his one of his childhood bestfriend slash kapatid ng kaisa-isa kong ex.

Yes, I have feelings for Hyugnam Cho, or I must say Hugi.

Kahit na puro english ang alam ng kupal na 'yun, mahal ko 'yun. Walang may nakaka-alam na may feelings ako para sa koreanong hilaw na 'yun except for myself!

Or maybe alam na din niya kasi heh, obvious naman kaming dalawa, 'diba?

Umuwi na silang lahat kaninang 10 PM. Siyempre maliban sa aming masisipag magbantay dito sa hospital. Siyempre kami pa rin nina Nall, Whisley, Kreo, Steven, Myla and of course, Hugi. Kaming tatlo lang nina Myla at Steven ang nandito.

11:12 PM na. Sayang hindi ko naabutan ang 11:11.

Umalis kasi ang apat papuntang police station. May inamin daw ang isa sa mga kapatid ni Jefferson. Si Jefferson sana ang dapat nandun pero pinakiusapan ni tanda ang police station na silang apat na lang ang magiging representative para malaman kung ano ang inamin ng isa sa mga kapatid niya.

Ano kaya 'yun?

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan na nasa tabi ng hospital bed ni Jefferson. Katabi ko si Myla. Nasa kabila naman si Steven na hinahawakan ang kamay ni Jefferson at hinahaplos-haplos ng isa pa niyang kamay ang buhok 'neto. Bakas ang pag-aalala ni Steven sa kanyang mukha habang pinagmamasdan lang na natutulog si Jefferson.

Wow, napaka-straight ni Steven! He's straight as a circle.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Myla. Mukhang nakikita niya rin ang kabaklaan ni Steven. Talagang sa harap pa namin, 'ah? Chansing pa 'tong si Steven, pfts. Kung gising lang 'yan at nasa katinuan, talagang kanina ka pa sa sahig.

Pareho kaming nagulat ni Myla ng biglang umungol 'tong si Jefferson. Agad naming itinuon ang buong atensiyon namin kay Jefferson.

Akala talaga namin kung ano na jusko, ang berde ng utak ko!

Kumunot ang noo 'neto at mukhang nahihirapan. Sandali, binabangungot ba siya? "K-kuya, t-tama na!" pautal-utal 'netong sigaw. Hindi naman namin mapigilang magulat at magkatinginan sa isa't-isa.

Pinapaginipan ba niya si Jason? Pero kung Jason Han nga 'tong pinapaginipan niya, ibig 'bang sabihin 'nun, sinasaktan siya ng mga kapatid niya ng patago?

Napansin naming bigla siyang namutla at nanginginig ang buong katawan niya. Mukhang nahihirapan 'din siyang huminga.

Ano ba ang pwede naming gawin?

Napatayo si Steven at niyugyog 'neto si Jefferson. "Jefferson, wake up!" halos pasigaw na sabi 'neto. Napasabunot si Steven sa kanyang buhok due to fustration. "Steven, kumalma ka nga muna! Hindi makakatulong ang pagpanic." "What do you want me to do? Watch him dying?" napa-face palm si Myla dahil sa lalaking 'to.

Hindi lang naman siya ang nag-aalala. Pati kami! Pero mas pinipili naming maging kalmado dahil alam naming walang maitutulong ang pagpanic. Siyempre, kaibigan rin namin ang nahihirapan at natural lang namasaktan kami kasi mahal namin si Jefferson.

"Pakinggan muna natin ang bawat salita na sinasabi niya at baka makatulong ito para malaman natin kung ano ang dapat nating maitutulong sa kanya." masasabi kong tama si Myla. At mukhang nasampal ni Myla 'tong si Steven ng katotohanan kaya napaupo ito.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon