[2]

1K 25 8
                                    

DATE: March 12, 2X22

___...↭...___

Mahal ko siya, dati pa.

Kahit na alam 'kong malabo na mapansin niyang mahal ko siya, umasa pa 'rin ako.

Naging kampante ako. Akala ko may pag-asa kaming maging 'kami'.

Kasalanan ko 'rin naman kung bakit nawala siya sa akin.

Bakit ba kasi hindi ako umamin?

Nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang magkasama't masaya, pero pinapakita ko na lang sa kanilang lahat na masaya ako para sa relasyon nila para hindi nila makita na nasasaktan na ako.

Ako sana yung nasa tabi mo at inaakbayan ka habang kinakantahan ka ng mga romantic songs.


Ako sana ang nasa posisyon niya.

Ako sana 'yung nagpoprotekta sayo.

Miss Pres, alam kong para sayo, duwag ako pero gusto ko na malaman mo na kaya kong pumatay para sa kaligtasan mo.

Pero hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin.

I'm the most annoying friend of yours, ika mo nga.

Ang cute mo kapag kinukulit kita at iniinis. Pero mas mabuti na yung mainis ka sakin. Atleast, binibigyan mo ako ng special attention.

Hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo kasi mahal kita.


Nagseselos ako deep inside kapag nakikita ko kayong masaya. Parang sinasaksak ang puso ko.

Hindi mapagkakailang bagay kayo. Pareho kayong ma-awra.

Ako? Simple lang. Hindi gaya niya.

Isang lalaking matangkad, 'gwapo' at 'cute' daw, mahilig kumain, palaging tumatawa at puro kalokohan ang ginagawa.

Pipilitin ko na maging masaya para sa inyong dalawa kahit na ikakamatay ko.

Masaya ka na sa kanya.

'Wag ka lang niyang saktan dahil talagang makakapatay ako.

Kahit anong gawin ko para makalimutan kita, ikaw pa rin ang minamahal ko.

I'll wait for you.


___...↭...___

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako pagkatapos kong isulat 'yun sa lil book thinggy ko. This is my second time to cry, believe it or not.

I'd cried before. Walang nakaka-alam kung ano ang nangyari sa akin 'nun. Sa lil book thinggy ko palaging sinusulat ang mga nararamdaman ko araw-araw.

Wala naman taong handa na makinig sa mga kadramahan ko. At isa pa, baka pagkamalan nila akong bakla.

Tinago ko ang lil book thinggy ko at pinatay ang ilaw ng kwarto ko. Inayos ko ang kurtina ng kwarto ko para masigurong madilim ang buong paligid. Ng makontento na ako, humiga na ako sa kama ko.

Nakuha ng atensiyon ko ang kaisa-isang picture frame sa kwarto ko. Hindi ko naman mapigilang maiyak.

Ang picture naming dalawa nung bata pa kami.

Bumalik na naman lahat ng alaala na magkasama kami. Parati siyang umiiyak dati at palagi ako nasa tabi niya't pinapagaan ang loob niya.

Kung dati, palagi kaming nag-uusap pero ngayong may boyfriend na siya, halos hangin na lang ako sa kanya.

Bakit ganun? Bakit hindi na lang ako?

Napakasakit.

Ang babaeng minahal mo sa buong buhay mo ngayon wala ng pakialam sayo.

Jefferson, halos 4 buwan na ang nakalipas ng naging sila pero hanggang ngayon, hindi mo pa 'rin matanggap na wala ng pag-asa maging kayo.

Wala na. Punong-puno na ako sa sakit na nararamdaman ko.

Sobrang nadidiri na rin ako sa sarili ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumayo ako at nagsulat ng isang liham sa study desk ko.

Wala na akong pake kung tumutulo ang luha ko habang nagsusulat ako.

'Nung matapos ko ng isulat ang lahat, tumayo ako at pumunta sa CR ng kwarto ko.

Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko nararamdaman ang katawan ko dahil sa sakit.

Buhay pa ba ako?

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. Napakapula ng ilong ko at mga mata ko dahil sa kaiiyak.

Ang sarili ko mismo ang huling taong makikita ko bago ako lumisan sa mundong 'to. Siguro nga tatapusin ko na lang ang lahat.

Agad kong binuksan ang cabinet sa CR at kinuha ang paracetamol pills. Tiningnan ko lang ang lalagyan ng pills.

Bakit ba ako nanginginig?

Jefferson Han, kaya mo 'yan! Ito lang ang paraan para matapos na ang sakit na nararamdaman mo.

Ng makaipon na ako ng sapat na lakas, agad kong binuksan ang lalagyan ng pills at nilunok ang kalahating laman ng lalagyan. Napatingin ako ulit sa salamin.

Kinuha ko ang blade sa cabinet at naglaslas sa kanan kong braso hanggang sa maligo ito sa dugo.

Hindi ko na ramdam ang sakit. Mas masakit ang nararamdanan ko sa loob. Pinilit kong ngumiti para kahit papano, makita ko ulit ang ngiti ko bago ako mamatay.

Masaya siguro ang mga kapatid ko sa kulungan kapag nabalitaan nilang patay na ako. Kailanman, hindi ako umiyak kahit gaano man kasakit ang binibintang at sinasabi nila sa akin.

Ang swerte nila, nakasama nila si mama. Paano naman ako?

Buong buhay ko, kinimkim ko ang sakit. Buong buhay ko, pinilit kong maging matapang kahit na napakahina ko sa loob. Buong buhay ko, nagpakatatag ako kahit na sa loob ko ay nahihirapan at sobrang nasasaktan na ako.

Pinilit kong kayanin pa, pero ngayon hindi ko na kaya.

Masaya na akong nakita ko siya sa huling pagkakataon at alam kong napasaya ko siya kahit sandali.

Kontento na ako sa naging buhay ko sa mundong 'to. Pagod na pagod na ako.

Masaya na silang lahat. Kahit na mawala ako, hindi nila 'yun mapapansin. Atleast nagawa ko na ang misyon ko sa mundong 'to.

Ang maging option.

Matatapos na ang lahat.

Makakapagpahinga na ako.

Bye.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon