[44]

107 7 1
                                    

Joseph Han's POV

19 years ago...

Nandito kami ngayon ng asawa kong si Jeepy sa clinic para magpa-check up sa magiging baby namin. Malapit na lang, lalabas na ang anak namin. Ano kaya ang magiging anak namin? Babae ba o lalaki? Excited na kaming makita ang anak namin. Baka bukas, lalabas na siya.

Sinasadya naming 'wag munang alamin ang magiging kasarian ng mahiging anak namin para ma-sorpresa kaming mag-asawa.

Sa totoo lang, hindi ko na gustong magka-anak kami dahil sa kalagayan ng asawa ko. Gusto kong magkaroon ng maraming anak pero natatakot ako na baka hindi niya kakayanin. Ipinanganak ang misis kong may butas ang puso niya.

Kung titingnan, swerte na 'ngang nakaya niyang ipanganak 'sina Jason at Jenny. Pero hindi pa kontento si Jeepy sa dalawa naming anak. Gusto niyang dagdagan pa ng isa. Wala naman akong magagawa 'kundi ang sumunod.

Malalim na huminga ang doctor sa harap namin. "Mrs. Jeepy Han, hindi na makakaya ng puso mo ang panganganak this time." tumigil ang mundo ko ng marinig ang mga katagang 'yun. "I'm sorry but— dapat isa lang sa inyo ng anak niyo ang mabuhay. You need to choose and decide right now. Hindi natin alam baka bukas o mamaya, lalabas na ang baby niyo."

Niyakap ko ang misis kong umiiyak. Hindi ko mapigilang mapaiyak 'din. Hindi ko kayang mawala ang isa sa mag-ina ko— pareho silang importante sa akin.

Humarap sakin si Jeepy at ngumiti sa akin bago punasan ang mga luha ko. "Alagaan mo ng mabuti ang anak natin. 'Wag na 'wag mong pababayaan 'sina Jason at Jenny." nanlaki ang mga mata ko.

Hindi, isusuko ni Jeepy ang kanyang buhay. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Muling bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. "H-hindi! Hindi ko kayang mawala ka— kayong dalawa ng anak natin." binalot niya ang kanyang mga braso sa akin.

Ayokong mawala silang dalawa sa akin. Mahal na mahal ko sila pareho.
"Joseph, honey. Alam nating lahat na mamamatay rin ako pagkalipas ng 4 na taon. Mahihirapan ako pagdating ng panahon na 'yun— mahihirapan 'din kayong lahat." muntik ko ng makalimutang may taning ang buhay ng misis ko.

"Mas makakabuting mabuhay ang anak natin. Magiging mabuting tao siya. Nararamdaman kong may magagawa siyang malaking bagay na makakapag-pabago ng buhay ng ibang tao. Mabubuhay siyang iba sa lahat ng taong nasa mundong 'to. Magiging matapang siya at alam kong hindi ka niya pababayaan." "Jeepy, honey..." kilalang-kilala ko si Jeepy. Kapag gumawa na siya ng desisyon, final na 'yun.

Pero, iba 'to 'eh. Buhay nilang dalawa ng anak namin ang nakataya dito.

Pinunasan niya ang mga luha ko. Napaka-tapang talaga ng asawa ko— ang swerte ko sa kanya. Siya ang nagbibigay lakas sa bawat araw ko.

Masayang-masaya akong minahal kita, Jeepy.

"Nagkaroon na ako ng pagkakataong mabuhay dito sa mundo— dapat ang anak rin natin. 'Wag nating ipagkait sa kanya na makita ang napaka-gandang mundong 'to. At isa pa, kailangan ko na 'ring magpahinga." tumango-tango na lang ako sa kanya.

Hinalikan ko siya sa noo at nginitian. "Napaka-tapang mo, honey. Mahal na mahal kita." muli siyang ngumiti sakin. "Mahal na mahal 'din kita. Magtiwala ka lang sa akin, magiging ayos ang lahat."

Hinaplos-haplos ko ang tiyan ng misis ko. Pinapangako ko sa sarili kong aalagaan ko ng mabuti ang anak namin. Hindi ko sasayangin ang binuwis ng pinakamamahal ko.

___…↭…___

A day after...

"Tol, kumalma ka nga muna! Magiging ayos ang lahat. Magtiwala ka lang sa Diyos." huminga ako ng malalim. Tama si Khallyx, kailangan kong kumalma. May Diyos na gumagabay sa mag-ina ko.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon