[45]

106 7 0
                                    

Joseph Han's POV

13 years ago...

Malapit na ang birthday ni Jefferson and at the same time, death aniversarry ni honeybee ko. Hindi namin sine-celebrate ang birthday ni Jefferson. Ayaw ng mga kapatid niya na maghanda kami ng kahit maliit na salu-salo lang para sa kanya.

Naaawa nga ako sa kanya dahil hindi man lang siya marunong manlaban sa mga kapatid niya para ipaglaban kung ano ang gusto niya. Masyadong mataas ang respeto niya sa mga kapatid niya.

Mabuti nga lang, naiintindihan ni Jefferson ang mga kapatid niya. Siya pa nga 'tong nagso-sorry sa kanila kahit wala siyang kasalanan.

Sinisisi palagi 'nina Jenny at Jason ang pagkamatay ni Jeepy kay Jefferson. Parati kong pinapaalala sa kanilang walang kasalanan si Jefferson sa pagkamatay ng mama nila.

Dapat nga maawa sila sa kapatid nila kasi hindi niya naranasang magkaroon ng ina. Pero ano ang ginagawa nila kay Jefferson? Sinisigawan at sinasabihan ng masasakit na salita.

Bilib nga ako sa anak kong 'to. Kahit kailan, hindi ko siya nakitang umiyak. Lumaki siyang matapang at understanding.

Hindi man sa favorite ko si Jefferson pero iba siya 'eh. Naaalala ko si Jeepy sa kanya. Kapag nanggaling ako sa trabaho at makita niyang pagod na pagod, agad siyang pupunta sa akin at kakamustahin niya ako. Makikinig at makikisabay siya sa lahat ng sasabihin mo sa kanya. Tina-try pa nga 'niyang i-masahe ang likod ko.

Tama si Jeepy. Mabubuhay 'ngang iba sa lahat 'tong si Jefferson. Ibang-iba siya sa lahat ng bata na kasing-edad niya. Hindi nga halata sa ugali niyang napaka-mature niya palang mag-isip.

"Wala ka talagang kwenta! Sinira mo ang pamilyang 'to!" napakamot ako ng ulo ng marinig ang sigaw ni Jenny sa living room. Sigurado akong si Jefferson na naman ang sinisigawan niya. Ang batang 'to— nagdadalaga na siya pero pinapatulan pa niya 'yung kapatid niyang 6 years old.

Dali-dali akong pumunta sa living room para ipagtanggol 'tong si Jefferson. Tumambad sakin ang mga sirang crayons ni Jefferson sa sahig. Nakaupo lang si Jefferson sa sahig habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri niya samantala si Jenny— nakatayo sa harapan niya.

Napabuntong hininga ako. "Jenny."  humarap sa akin ang anak ko. "Ilang beses ko 'bang dapat sabihin sa inyo, walang kalaban-laban ang kapatid niyo para pagsigawan niyo siya. Anak, nagdadalaga ka na!" sinamaan niya ng tingin si Jefferson bago muling tumingin sa akin.

"Hindi ko siya kapatid, pa. Kahit kailan, hindi ko magiging kapatid ang bwiset na 'to unless if he can bring back our mother's life." pinipilit kong kumalma sa mga sinabi niya.

Wala silang kaalam-alam kung anong sakit pa ang mararanasan ng ina nila kapag nagpatuloy siyang mabuhay. "Jenny Han—" "Stop it, pa! Kahit anong gawin ng bwiset na 'to, hinding-hindi namin siya mapapatawad. Never ever!" lalapitan ko na sana si Jenny ng hinarangan ako ni Jefferson. "Pa, patawarin niyo na po si ate. 'Wag niyo na po siyang pagalitan. Intindihin na lang natin siya."

Humarap siya kay Jenny. "Ate, sorry po sa lahat. Sorry kung pinagalitan ka pa ni papa dahil sakin." yumuko siya sa harap ng ate niya. Si Jefferson talaga— masyado siyang mabait! Hindi ko alam kung marunong pa 'bang magalit 'tong batang 'to.

Nginisihan siya ng ate niya. "Whatever you say, tch." humarurot paalis si Jenny sa living room at umakyat sa kwarto niya. Napa-buntong hininga na lang ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko 'kina Jenny at Hason. Simula ng mamatay si Jeepy, nagsimula na silang magrebelde. Parati 'din nilang inaaway 'tong si Jefferson at pinagbibintangang siya ang pumatay sa ina nila.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon