[41]

143 9 0
                                    

Frial's POV

Bumalik na kami sa hospital. Nadatnan namin ang dalwang 'to na parehong nakahiga sa kama at nagyayakapan. Napanganga nga ako ng makitang napaka-rami ng hickeys sa leeg ni Jefferson.

Talagang may ginawa talaga ang dalawang 'to— halatang-halata 'eh. Tulog pa rin hanggang ngayon si Jefferson. Siguro sobrang napagod siya sa ginawa nila ni Steven.

"Ano, Steven. Kamusta ang ginawa niyong milagro ni Jefferson—" biglang nanahimik 'tong si Justin ng hinambalos siya ni Steven at sinamaan ng tingin. "Shut up!" 'yan kasi, kinamusta niyo pa 'eh. Alam niyo namang possesive 'yan.

Tiningnan ko ang mukha ni Steven— namumula ang magkabilang pisngi niya. Minabuti niyang ibaling na lang ang tingin niya kay Jefferson habang patuloy na minamasahe ang buhok ng baby boy niya. "Steven." napunta ang tingin naming lahat kay Miss Pres.

Mukhang may napaka-seryosong bagay na sasabihin si Miss Pres sa kanya. Ang tanong, makikinig ba si Steven? Alam naman ng lahat dito na magkaribal ang dalawang 'yan dati.

Nginisihan siya ni Steven. "What is it?" hindi inaalis ni Miss Pres ang seryoso niyang mga mata kay Steven. Kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya.

Paaalahanan lang siguro ni Miss Pres si Steven— 'diba?

"Listen Steven Kloen. You better take good care of him or else, we'll gonna have a huge problem. Do you understand?" biglang natawa si Steven sa sinabi ni Miss Pres.

Ano ba ang nakakatawa 'dun? Baliw na 'yata 'tong lalaking 'to. Baliw na baliw kay Jefferson— oof.

Sinamaan siya ng tingin ni Miss Pres. "What's so freaking fucking funny with that?" inirapan siya ni Steven. "You don't need to remind me of that. I'll take good care of him habang humihinga pa ako sa mundong 'to."

Mahinang natawa si Vall sa kanya. "In denial ka pa dati. May pa 'I'm not gay' ka 'pang nalalaman tapos ikaw 'tong baklang nababaliw kay Jefferson." hindi namin mapigilang matawa sa sinabi niya maliban kay Steven na sinasamaan ng tingin 'tong si Vall.

Oo nga 'noh! Grabe pa siya maka-deny sa feelings niya kay Jefferson. Dine-deny pa niyang hindi niya tinititigan si Jefferson tuwing kumakain kaming lahat ng sabay. Halata naman sa mga mata niyang may feeling siya sa giant bunny namin— kung paano siya makatitig kay Jefferson.

Tapos 'tong si Jefferson naman, may pa 'no homo' pa siyang nalalaman sa username niya sa Instagram. 'Yun pala, siya 'din naman 'tong full homo pagdating kay Steven.

Akala nga namin, hindi na silang dalawa magkaka-ayos. Parating sinisigawan, tinutulak, pinagbibintangan at minumura ni Steven si Jefferson.

'Etong si Jefferson naman, hindi na pumapatol kay Steven— as if marunong umangkat ng away 'yan. Naiintindihan ni Jefferson ang lahat ng nararamdaman ni Steven like— sino ba naman ang anak na hindi masasaktang pinatay ang kanyang mga magulang?

Shini-ship naming lahat ang dalawang 'to. Akala namin, malabong maging sila. Akala nga namin, asexual 'tong si Jefferson. 'Ni wala man lang ex, kalandian or nililigawan. Kahit man lang crush, wala. Baka nga hindi marunong lumandi ang giant bunny na 'to 'eh.

Sa sobrang daming nagkakagusto kay Jefferson, wala siyang pinansin 'ni isa kahit ano man kagwapo't magaganda ang nag-aattemp na ligawan siya. Yes, maraming nagkaka-gusto sa kanya mapa-babae man o lalaki. Umabot na nga kung saan-saang school ang nagkaka-crush sa kanya. Kaya, hindi na kami mabibigla kung umabot ng 126,000+ followers na ang Instagram niya.

Kami nga rin 'eh, hindi bumababa sa 50,000 ang followers naming lahat sa Instagram. Iba talaga 'pag Alpha na, magaganda't guguwapo pa. Ganyan kaming magbabarkada.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon