[39]*

149 8 0
                                    

Jefferson's POV

Nagising ako at nakitang nakasandal si Steven sa balikat ko habang natutulog at nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ko. Hindi ko mapigilang makilig ng makita ko ang napaka-gwapo niyang mukha. Napansin ko ang hoodie ko— malaki sa kanya ang hoodie ko pero ayos lang 'yun.

Kawawa naman si Steven ko— paano ko kaya siya matutulungan?

Inayos ko ang ulo niya. Tumayo ako at binuhat siya tsaka dahan-dahang inihiga sa kama. Inayos ko muna siya bago bumalik sa kama.

Tinitigan ko lang ang mukha niya. Ngayon ko lang napansing may pagkakahawig pala kaming dalawa. mas malaki nga lang ang ilong niya sa akin tapos mabilog ang mga mata niya— ang gwapo niya talaga!

Hindi ko inakalang agad na lang akong mahuhulog sa kanya. Gusto kong parati siyang nasa tabi ko, gusto kong parati niya akong hinahalikan at niyayakap, gusto kong maramdaman bawat segundo ang init niya. Siya ang taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa— na espesyal ako.

Kakaiba talaga si Steven.

Akala ko talaga, hindi na kami magkaka-ayos. Akala ko talaga, habangbuhay na niya akong sisigawan, babanggain, itutulak at pagbintangan. 'Yun pala, may nakalaan para sa aming dalawa.

In-adjust ko ang sarili ko para maipatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago ko ipatong ang ulo ko sa dibdib niya. Napaka-sarap sa feeling kapag nasa dibdib niya  ang ulo ko. "So, marunong ka na mang-chansing?" nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakamulat na ang mga mata niya.

Aalis sana ako pero hinila niya ang beywang ko papalapit sa kanya. Nginisihan niya ako. "Don't you dare to run away, baby boy." naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. Minamasahe niya ito. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko kapag ginaganito niya ako.

Nginitian ko siya. "G-good m-morning Steven!" "Good morning, baby." ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko mapigilang makilig sa ginawa niya.

Idinikit ko ang labi ko sa kanya at sinubukang gawin ang parati niyang ginagawa. Gusto ko 'ring matuto kung paano 'yun gawin kaya ita-try ko muna sa kanya.

Bahagyang ibinuka ko ang bibig ko at iginalaw 'to. Sinipsip ko ang bottom lip niya at kinagat-kagat. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kapag magkadikit ang aming mga labi. Hindi ko alam kung tama 'tong ginagawa ko— basta! Ang importante, na-try ko.

Hanggang sa napansin kong sumasabay ang paggalaw ng kanyang labi sa akin. Kakaiba talaga ang nararamdaman kong 'to. Napakaganda sa pakiramdam.

Lumayo ako ng nawalan ako ng hangin. Nagkatitigan kaming dalawa. Kahit kailan, hindi ako magsasawang tingnan ang napaka-gwapo niyang mukha. Nginisihan niya ako. "You're trying to learn how to kiss me, hmm?" napayuko ako ng maramdamang nang-init ang magkabilang pisngi ko.

Kiss pala 'yung tawag sa ginagawa niya parati?

"K-kiss p-pala t-tawag 'dun?" natawa siya sa sinabi ko. Iniangat niya ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. "Baby, this is also a kiss but just a peck. Ang ginawa natin is also a kiss. Naglaplapan tayo. A kiss involving the movements of our lips. Minsan, we can use our tounges too to feel more pleasure." tumango-tango ako sa kanya ng ma-gets ang ibig niyang sabihin.

Pwede pala 'yun?

Ginulo niya ang buhok ko at pinaulanan ng halik sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa. Nakakakiliti ang ginagawa niya! "S-Steven, n-nakililiti ako!" hinalikan niya ako sa pisngi. "I just want to tell you that you're learning very well. You did great baby." muli niyang ginulo ang buhok ko na ikinilig ko naman.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon