[27]

178 8 0
                                    

Whisley's POV

Tinitingnan lang naming apat si Steven. Sabi niya may sasabihin siya— saan na? "Ano na, Steven? Halos dalawang minuto na tayo nagtitinginang lima dito." napahinga siya ng malalim. "Okay. Sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Before he woke up, mukhang binabangungot siya and—"

"Aish, didn't you woke him up?" sinamaan ni Steven ng tingin 'tong kapatid ko. Aba, try mo lang talagang saktan ang kapatid ko dahil sa init ng ulo mo, Steven. Talagang mababasag 'yang bungo mo sakin. Naiinis na napakamot ng ulo si Steven. "Can't you all just be quiet for a while? I'll let you speak before I'll tell this, okay?" perhaps he snapped.

Mukhang nape-pressure siya sa kalagayan niyang 'yan. Hindi ko siya masisisi, mahal niya si Jefferson romantically. And this man wants the best for Jefferson. Kahit araw-araw na may red flag 'tong si Steven at araw-araw niya kaming sinusungitan at pinag-iinitan ng ulo, hindi niya maiwasang mag-alala sa amin kapag nasa masama kaming kalagayan.

Siyempre, lalong-lalo na kapag si Jefferson ang pag-uusapan. Kaya nga namin siya sinususpetsahang homosexual and I guess hindi kami nagkamali. I mean, hindi naman kami bulag para hindi makita ang bold nilang dalawa ni Jefferson kanina.

May relasyon na ba silang dalawa ni Jefferson?

Muling huminga ng malalim si Steven para pakalmahin ang sarili niya. "Yes, it seems he had nightmares and he kept on telling someone to stop. Mukhang nagmamaka-awa siya. Kapag titingnan mo ang mukha niya habang binabangungot siya, it seems he's deeply hurt." hindi ko mapigilang mapaisip kung pinaginipan ni Jefferson ang nangyari sa kanya sa kamay ng sarili niyang kuya.

Hayop ang gagong 'yun. Sarap pugutan.

"Umuungol siya ng malakas at nahihirapang huminga. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko and his shuttering worsen. Nabigla nga kaming tatlo nina Ayeen Jee at Myla ng bigla siyang umiyak kahit na natutulog siya. He keep on telling and pleading someone to stop. Nanginginig rin siya at namumutla and I swear, hindi ko alam ang gagawin ko kanina but then Myla and Ayeen Jee stopped me to do something." hindi ko mapigilang iyukom ang mga kamao ko sa galit.

Umiyak si Jefferson dahil sa kamanyakan ng hayop niyang kuya. Bwisit ka talaga Jason Han! Humanda ka lang talaga sa amin. Nagkamali ka ng pagpili ng bibiktimahin. Pasalamat ka lang talaga, inalala namin ang mararamdaman ni Jefferson 'pag nalaman niyang patay ka na. Kung hindi lang talaga dahil 'dun, kanina ka pa nakahigang duguan sa sahig ng kulungan.

Sinenyasan ni Nall si Steven na tumigil muna. "Steven, sandali lang..." napabuntong-hininga lang si Steven at tumango. "May minention ba siyang pangalan or honorifics?" tumango si Steven. "He keep mentioning 'kuya'. Maybe he's reffering to Jason Han?" hindi ko mapigilang tumayo ng marinig 'yun. Kumukulo ang dugo ko ngayon sa galit.

Gago ka talaga Jason! Tingnan mo kung anong paghihirap ang idinulot mo sa napaka-buti at napaka-inosente mong kapatid. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay, ikaw ang dahilan ng paghihirap niya, ikaw ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa kanya. Hindi ka pa nakontentong ginawa niyong impyerno ang buong buhay niya sa mga pang-aabuso at sa mga masasakit na salitang sinasabi niyo sa kanya.

Kung talagang buhay lang 'yang mama niyo at nakikita niyang sinasaktan niyo ang bunso ng pamilya niyo, baka siya mismo ang papalo sa inyong dalawa ni Jenny. Hindi niyo man lang minahal o tinuring na kapatid si Jefferson.

Alam niyo kung bakit hindi kayo magawang saktan ng papa niyo kapag sinasaktan niyo si Jefferson verbally sa mismong harap niya? Dahil si Jefferson na ang nagmamaka-awa sa papa niyo na 'wag kayong saktan. Dahil naaawa siya sa inyo at naiintindihan niya kung bakit kayo nagkakaganito. Minahal at nirespeto niya kayo kahit na hindi niyo siya magawang tingnan.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon